MIKHA
Napatingin ako sa aking repleksyon sa salamin saka pinunasan ng towel ang aking mukha matapos kong makapaghilamos. Medyo kumalma naman na ang aking pakiramdam at medyo nahimasmasan na bagamat ramdam ko pa rin ang lakas ng tibok ng aking dibdib dahil sa sobrang galit. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ito. I closed my eyes tightly. What were you doing, Mikha Lim?!?
Napahugot ako ng malalim na hininga saka lumabas ng banyo nang marinig ko ang mararahang katok sa pinto ng aking opisina. Sinulyapan ko pa si Maloi na nakaupo sa may gilid ng sofa habang mahigpit na nakahawak sa coat ko na ngayon ay suot na nya.
Pugtong pugto ang kanyang mga mata, medyo magulo ang kanyang buhok, namumula ang kanyang mga labi at medyo namamaga dahil sa marahas kong paghalik sa kanya. Dahil maputi siya, kitang kita rin ang pamumula ng kanyang leeg na hindi rin nakaligtas sa mapagparusa kong mga labi. Pati katawan nya nanginginig pa rin. God! What have I done?!?! Naikuyom ko ang aking palad dahil hindi pa rin natitigil ang pagsinghot ni Maloi. Ni hindi na rin siya makatingin sa aking mga mata ng derecho, siguro dahil na rin sa takot.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang kusa na itong nagbukas at sumilip si Jhoanna.
"Mikhs, is everything okay? Sabi ng secretary mo may narinig daw siyang lumaga— Maloi?!?!" Gulat na gulat ang ekpresyon ng mukha ni Jhoanna nang mapatingin siya sa direksyon ng sofa na kinauupuan ni Maloi. Tuluyan ng pumasok si Jho at dere derechong nilapitan ang babae. "Oh my God?! What happened to you?" Puno ng pag-aalala ang kanyang boses saka hinawakan sa kanyang ulo ang babae. "Are you okay?! What are—" Nang aakusa siyang tumingin sa akin. "Please tell me you didn't do this to her, Mikha Lim?!" Puno ng pagbabanta ang tinig ni Jho.
Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya saka naglakad sa may kitchen at kumuha sa fridge ng bottled water. Lumapit ako sa pwesto nila at iniabot kay Jho ang tubig at sinenyasan siya na iabot ito kay Maloi. Muling napahagulgol si Maloi nang kabigin siya ni Jhoanna at yakapin.
Napabuntong hininga ako saka naupo sa aking swivel chair. Nasapo ko ng dalawa kong palad ang aking mukha habang pilit pa ring kinakalma ang aking sarili. I closed my eyes tightly. And eventually everything went back.
"Hey Maloi, are you still there?" Nangunot ang noo ko dahil sa pananahimik sa kabilang linya ni Maloi.
Kakatapos lang ng aming show kung saan guest ako sa isang variety show na ginanap ngayon dito sa Toronto. Kasama ko rin sina Aiah at Stacey sa naturang show.
"Do you want to eat now?" Jhoanna mouthed at me.
Sinenyasan ko siya at umiling iling lang. "Later, Jho." I mouthed back at her. I put my right hand on my back pocket. "Maloi?" Muli kong untag sa kabilang linya. Ayoko sanang iwan siya, pero wala na akong nagawa dahil nagkaroon ng problema sa kanyang visa. Gusto ko nga sanang i-cancel na lang ang guesting ko sa naturang variety show kung hindi lang ako pinagalitan ni Jhoanna at kung hindi lang din ako kinumbinsi mismo ni Maloi.
Napatikhim siya sa kabilang linya. "Y-Yes Mikha?"
"Are you listening to me? I'm asking you kung anong pasalubong ang gusto mo? Tonight is our flight."
"H-Hindi na.. H-Huwag ka ng bumili ng kahit ano.."
Nadagdagan ang pangungunot ng aking noo dahil nararamdaman kong iba ang tono ng pananalita nya ngayon. "Is everything okay, Maloi?"
Napatikhim siya sa kabilang linya. Mahabang katahimikan muna ang lumipas bago ko pa ulit narinig ang tinig nya. "M-Mikha..."
"Hmm..?"
"I-I'm s-sorry.." Bigla na lang siyang humagulhol sa kabilang linya. "S-Sana m-mapata--wad m-mo a-ako.."
Nabalutan ng pag-aalala ang aking puso. "Hey?! What's going on? Why are you crying?! May nangyari ba?! Tell me!"
YOU ARE READING
A Young Heart's Promise
FanfictionMikha has been inlove with Maloi since the first time they've met. She did everything on her will to make her fall for her. And she didn't fail! Maloi fell for her and it made her the happiest person on Earth. So she took that chance and secretly s...
