21

974 25 1
                                        

Mikha

Nanlaki ang aking ulo nang sa pagdating ko sa studio nakita ko si Maloi na masayang nakikipagkwentuhan kay Colet. I clenched my fist while I'm biting my lips.

Sinabihan ako ng driver na nagpahatid daw sa kanya si Maloi sa opisina. Pero halos trenta minutos na ang nakalipas since tumawag ang driver ko wala pa ring Maloi na nagpapakita sa akin. Kaya naman nang tumawag ako sa reception, nalaman ko na nakita raw niya na magkasama ang dalawa ni Colet papunta sa studio.

Malalaki ang mga hakbang ko nang lumapit ako sa kanila. Mabilis na nawala ang ngiti sa mga labi ni Maloi nang mapansin niya ako agad.

"M-Mikha p-papunta n-na sana—"

"Who told you to come here?" Malamig ang boses kong tanong.

Sumulyap siya saglit kay Colet saka napalunok. "K-Kung g-gusto mo uu—"

"Yes! Go back home!" Mariin kong utos.

"Wait lang, Mikha. Aren't you being too harsh with her?!" Singit ni Colet at iniharang pa niya ang kanyang sarili kay Maloi na lalong nagpatindi ng gigil na nararamdaman ko.

"Stay out of this! Believe me Colet, kung hindi lang dahil kay Jhoanna, matagal ka ng wala sa kompanya ko!" Sinamaan ko ng tingin si Maloi. "Let's go!"

Lalapit na sana siya sa akin nang maagap siyang pigilan ni Colet. "You don't have to go with her, Loi. You don't deserve this kind of treatment from her!"

"C-Colet o-okay l-lang. W-Wala n-naman—"

"Wala akong pakialam kung ikaw ang isa sa may-ari ng kompanyang ito!" Pinutol ni Colet ang sinasabi ni Maloi at hinarap ako. "Dahil kung alam kong nasa tama ako, maninindigan ako. Hindi sasama sa'yo si Maloi!" Puno ng diin niyang sabi. Hinawakan niya pa ito sa braso saka siya inakay at nilampasan ako.

Napapikit ako ng mariin. "Mary Loi Ricalde!!!!" Madagundong ang boses kong sigaw. Good thing, kaming tatlo lang ang tao rito. Though, wala naman akong pakialam kahit sinong makarinig o makakita sa amin. Pero mas maigi na rin ito. Atleast hindi ako makakarinig ng kahit anong sermon mula kay Jho. "Subukan mo lang lumabas ng studio na'to kasama si Colet, I'm telling you hinding hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Puno ng pagbabanta kong sabi.

Umiling iling naman si Colet kay Maloi habang hindi pa rin ito binibitawan.

"C-Colet, okay lang talaga. Please..." Puno na ng pagsusumamo ang tinig ni Maloi. Maluha-luha na ang kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakahawak ni Colet at pinilit na ngumiti rito. "Okay lang ako." Narinig ko pang bulong nya sa babae.

Lalapitan sana ako ni Colet ng maagap siyang pinigilan ni Maloi. "P-Please Colet. Ayoko na n-ng gulo. A-Aalis na lang ako." Tumingin siya sa akin. "B-Babalik n-na ako sa c-condo m-mo.." Paalam nya naman sa akin.

Nilapitan ko siya at marahas na sinaklit sa kanyang braso. "You're coming with me!" Angil ko saka sinamaan ng tingin si Colet. "Next time, know your place!" Hinila ko na si Maloi palabas ng studio at dinala siya sa aking office floor.

Marahas ko siyang binitawan ng makarating kami sa loob ng aking opisina. Nagpalakad lakad ako sa kanyang harapan habang napapasuklay. Isa na rin ito sa paraan ko para sana pakalmahin ang aking sarili. "Who told you to come here?"

Napatungo si Maloi habang magkasalikop ang dalawa niyang kamay. "I-Ilang a-araw ka n-na kasing hindi umuuwi. Nag-aalala ako ba—"

I snorted. "I don't need your worry for me." Sarcastic kong putol sa sinasabi niya.

"M-Mikha n-naiinip na rin kasi ako sa bahay. Alam mo naman na hindi ako sanay na wa—"

"I don't care!" I cut her off. Tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa may bintana. I couldn't stand looking at her for too long. "Wala akong pakialam kung naiinip ka! O kung gusto mong may gawin! Kahit mag-isa ka dun at mabaliw wala akong pakialam! Basta hindi ka aalis sa condo hangga't hindi ko sinasabi! Naiintindihan mo?!"

A Young Heart's Promise Stories to obsess over. Discover now