Epilogue

1.2K 38 12
                                        

Maloi

Salitan kong pinagmasdan sina Jhoanna at Stacey na parang batang nakahalukipkip at nakasimangot.

"Wait, sure ba kayong okay lang na iwan ko sa inyo si JM?" Napapangiwi pa ako habang hinihintay ang magiging sagot nila.

"Jhoanna can manage!" Padabog na tumayo si Stacey saka naglakad papuntang kitchen.

Nakita ko naman ang pagsunod ng tingin ni Jho sa kanya. "And what do you mean by that, Stace?!"

Nagkibit balikat si Stacey. "Ano slow lang Robles?! Anong mahirap intindihin sa 'you can manage'?! Kaya mo naman na talagang alagaan si JM ah!"

Napasuklay ako sa aking buhok saka napabuntong hininga. Any minute now aakyat na rin si Mikha rito sa condo ni Jho kasama si JM. Should I just call her na huwag na lang umakyat at kay Sheena na lang namin iwan si JM?

"Oo! Kayang kaya ko naman talagang alagaan si JM! Mas madali pa nga siyang alagaan kesa sa'yo! Ang lakas ba naman ng sapak mo sa ulo!"

Buti na lang naisipan ni JM na magpabili muna ng ice cream kay Mikha. Kung hindi, masasaksihan pa nya ang bangayan ng magjowa na'to! Kung magjowa nga ba talaga sila?!

"Wow, Jho kakahiya naman talaga sa pagkatino ng utak mo!"

Tumayo na rin si Jho sa kanyang kinauupuan at sinundan si Stacey. "Ano ba kasing ikinakainit na naman ng ulo mo ha, Sevilleja?! Umuwi naman ako sa tamang oras ah!"

"Ewan ko sa'yo! Magsama kayo ng Vergara na 'yon!"

"Aba heto na naman po siya nag uumpisa na namang gumawa ng kwen-"

"Eherm!" Nilakasan ko ang aking pagtikhim saka pilit na ngumiti. No wonder gabi gabing nag ra-rant sa akin si Mikha about these two friends of her. "Look, really I don't mind if you two have something to do or to- settle! Sasabihin ko na lang kay Mikha na iiwan na lang namin si JM kay-"

"Love we're here!" Putol ni Mikha na bumungad sa pinto. Nakahawak sa kanyang kanang kamay si JM habang sa kabila may bitbit siyang isang paper bag.

Pinagsalitan pa nya kaming tatlo na tiningnan. "Is everything okay?"

Makahulugan ko lang siyang tiningnan na agad naman nyang nagets. Agad nyang tinakpan ang tenga ni JM nang mag umpisang bumuka ang bibig ni Stacey.

"Ito kasing bwisit mong kaibigan, Mikha! Wala ng ginawa kung hin-"

"Bakit kasalanan ko na naman? Wala naman-"

"Love I told them na okay lang naman sa atin kung hindi nila maaalagaan si JM today. Baka kasi may kaila-"

"Did we tell you like that, Maloi?!" Ako naman ang binalingan ni Stacey at humalukipkip.

"We're not even complaining!" Seryoso namang turan ni Jho at tumingin din sa akin.

"Hey hey hey! Do you two actually arguing with Maloi?" Salubong ang kilay na tanong naman ni Mikha.

Napatampal naman ako sa aking noo. Jusku! Magkakaibigan nga 'tong tatlo na 'to!

Nauna ng lumapit si Stacey kay Mikha saka kinuha ang hawak nyang paper bag at yumukod upang magpantay sila ni JM. "Hi cutie!" Ang kanina niyang nakabusangot na mukha ay napalitan ng malapad na ngiti. "Are you ready to have some fun with your one and only pretty tita?"

Ngumiti naman ng malapad si JM at excited na tumango. Ginulo gulo ni Stacey ang kanyang buhok at masuyong hinalikan ito sa ulo. "Say goodbye na to your Mama and Mimi! While your Tita Jho will start cooking your favorite pancake!"

A Young Heart's Promise Stories to obsess over. Discover now