Maloi
Walang tigil ang pagbuhos ng aking luha sa loob ng sasakyan ni Mikha. Ramdam ko na maya't maya ang tingin sa akin ng kanyang driver at halatang nag dadalawang isip kung magtatanong ba siya o mananatili na lamang na tahimik.
Ibinaling ko ang aking pansin sa labas ng bintana ng kotse. I know, ngayon pa lang dapat masanay na ako sa galit ni Mikha, dahil who knows kung hanggang kailan niya ako pananatilihin sa kanyang buhay bilang PA.
Ang hindi ko lang din naman maintindihan ay kung bakit hindi na lang nya ako palayasin pa kung sagad na sagad hanggang buto naman ang galit nya sa akin. Wala naman akong ginagawa. Palagi lang umiinit ang ulo niya at palagi lang siyang nagagalit sa tuwing nakikita ako. Dinaig pa nya ang naglilihing buntis.
Pero paano nga ba ako masasanay sa trato nya sa akin? Kung palagi pa rin akong ginagambala ng masasayang ala-ala na pinagsamahan namin noon. At hindi ko naman itatanggi na lihim akong umaasa na kahit mapatawad na lang nya ako ay okay na rin sa akin.
"Loi, parang pasan mo ang daigdig ah?"
Bahagya akong natawa sa tinuran ni Colet. Halos kasabayan ko siyang dumating sa RL Building. Magtuturo raw sya ng bagong sayaw para sa isang music video.
Sinapo ko ang magkabila kong pisngi. "Sobrang halata pa ba, Colet?" May halo ng panunudyo kong tanong. Kapag si Colet ang kaharap ko hindi ko na kailangang magtago o magpanggap pa. Basang basa na rin naman nya ako.
Inirapan nya ako saka ako pinaunang pinasakay sa elevator. "Malayo pa lang tanaw ko na!"
"Grabe siya!" Pinandilatan ko siya ng mga mata saka tipid na ngumiti.
"Daan ka muna sa studio ha? Kwentuhan muna tayo saglit. After thirty minutes pa bago magstart iyong session ko eh."
Napatingin ako sa aking wrist watch. Hindi naman siguro mamasamain ni Mikha kung makipagkwentuhan ako kay Colet. Tutal hindi rin naman nya alam na pupunta ako rito. Naiinip na lang din ako sa bahay kaya minamabui ko na lang na puntahan siya. "Okay sige." Nagkibit balikat pa ako sa kanya saka sumandig sa wall ng elevator.
"So kamusta na kayo ni Mikha?"
Iyon agad ang bungad niyang tanong nang makarating kami sa loob ng studio. Sinundan ko ng tingin ang ginawa niyang paglapag ng kanyang duffel bag sa sulok ng studio kung saan nakalagay din ang mini fridge na may lamang mga refreshments.
"Wala ng segway-segway pa ah!" Kunwa ay biro ko. "Baka naman gusto mo munang mag hi or hello?"
"Sus! Kilala mo na ako, Loi. Hindi uso sa akin ang paikot ikot. Gusto ko parati direct to the point agad. Oh!" Iniabot niya sa akin ang isang lata ng pineapple juice saka ako marahang hinila sa braso para makaupo. "Dito ka kasi!" Sabi pa niya.
"Baliw ka talaga!" Natatawa kong sabi saka ako sumandal sa malaking salamin. Inunat ko pa ang aking mga paa saka napatitig sa hawak kong juice.
"Baliw ako sa'yo! Pero mas baliw sa'yo ang amo mo!"
Sinulyapan ko siya saka siniko. "Sira!" Pinandilatan ko siya ng mga mata saka muling nanahimik.
"Mahal mo pa rin, 'no?"
"Hindi naman nawala 'yon, Colet." Mapait akong napangiti. Napatikhim ako habang hindi ko na inaalis ang aking tingin sa lata ng juice. "Ang tanga tanga ko lang 'di ba?"
"Sus! Si Mikha Lim ang tanga 'no! Kung hindi ba naman, bakit hinayaan ka pa niyang makawala sa buhay nya noon!"
Napahigpit ang hawak ko sa lata. "Wala siyang kasalanan, Colet." Mahina kong saad.
YOU ARE READING
A Young Heart's Promise
FanfictionMikha has been inlove with Maloi since the first time they've met. She did everything on her will to make her fall for her. And she didn't fail! Maloi fell for her and it made her the happiest person on Earth. So she took that chance and secretly s...
