24

981 25 3
                                        

Maloi

Sinamaan ko ng tingin si Maki na nakasunod pa rin sa akin hanggang makatapos akong makipag-usap sa doctor ni JM. Nakahinga naman ako ng maluwag ng sabihin ng doctor na common cold lang naman ang nangyari sa anak ko.

"Nakita mo na ang nangyari sa anak natin dahil sa Mikha na 'yon! Akala ko ba tinigilan mo na siya ha, Maloi?!"

Napapikit ako ng mariin saka siya marahas na nilingon. "Jusku naman Maki, walang kinalaman si Mikha sa pagkakasakit ni JM. Ano? Si Mikha ba ang nanghawa ng ubo kay JM at ang nagbigay ng lagnat dun sa bata? Pwede ba? Huwag mo ng idamay iyong tao! Ako na lang ang sisihin mo!" Mariin kong sabi habang pigil ko ang aking boses na huwag sumigaw. Wala naman kasing may gusto ng nangyari. Bakit kailangang may sisihang maganap?

Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng hospital. Kailangan kong bilhin ang nireseta ng doctor na gamot. Mabuti na lang din at nasa labas ang pharmacy para kahit paano makakahinga ako ng maayos. Bigla akong nasuffocate sa loob ng ospital.

Sinaklit nya ako sa braso saka hinila sa may gilid ng ospital. "Don't tell me babalik ka pa ng Manila? Maloi unahin mo naman ang priorities mo! Kailangan ka ng anak mo dito!"

Hinawakan ko ang kamay ni Maki saka ito marahang tinanggal sa aking braso. "Walang may gusto na magkasakit si JM, Maki. Saka alam mong ni minsan hindi naman ako naging pabayang ina sa anak natin. Nagkataon lang na kailangan kong samahan si Sheena."

Napatiim bagang siya. "Ah kaya pala nagmessage sa akin si Sheena na magreresign ka na at sa Manila ka na magtatrabaho. Sabi pa niya, isasama mo na si JM at si Tita Shirley at dun na kayo mag-i-stay! Ganon 'yon 'di ba?" Napailing iling pa siya. "If I know, gusto mo lang bumalik kay Mikha. Tama 'di ba?"

"Wala akong kailangang ipaliwanag sa'yo Maki!" Mariin kong sabi. Tatalikuran ko na sana siya nang muli niya akong pigilan.

"Hindi ako papayag na isama mo si JM sa Manila!"

Napasuklay ako sa aking buhok at seryosong tumingin kay Maki. Sa paglipas ng ilang taon, nanatili siya sa aking tabi na labis kong ipinagpapasalamat. Pinili pa niyang magturo rito sa Isabela dahil gusto nyang andyan siya para sa anak namin. Something na hindi niya naranasan noon dahil bata pa lang din siya nang maulila sa magulang.

Noong malaman kong buntis ako kay JM, hindi naman nagkulang ng kahit anong suporta para sa akin si Maki. Kahit working student lang din siya noon kagaya ko, pinilit niyang gampanan ang obligasyon nya sa amin.

At kahit ngayon na item na siya sa isang public school at medyo stable na ang income nya, gusto naman niyang suportahan ako at ituloy ko ang aking pag-aaral. Mariin lang akong tumutol dahil sobra na rin ang naitulong nya sa akin. Sapat ng alam kong andyan lang siya para sa anak namin.

"Maki, please lang. Hindi pa naman ako nakakapagdecide tungkol sa bagay na'to. Pinag-iisipan ko pa ang lahat." Para akong nahahapo sa pagod.

These past few days ramdam ko ang emotional turmoil na kumakain sa buong pagkatao ko. At hindi ko itatanggi na si Mikha ang dahilan ng lahat.

Akala ko noon kapag nalaman na ni Mikha ang totoo, gagaan ang pakiramdam ko at mababawasan ang guilt dito sa dibdib ko na dala-dala ko noong gabing nakipaghiwalay ako sa kanya.

Pero noong makita ko ang impact sa kanya ng mga nalaman nya, mas lalo pang nadagdagan ang bigat sa loob ko. At ang gusto ko na lang gawin ay iyong maibsan ko ang sakit na naidulot ko para sa babae—kahit sa paanong paraan. Basta lang maalis ko ang sakit at lungkot sa mga mata ni Mikha.

"Bumalik ka na sa loob. Ako na ang bahalang bumili ng gamot ni JM." Tipid ko siyang nginitian saka tinalikuran.

"Magpakasal na tayo Maloi."

A Young Heart's Promise Stories to obsess over. Discover now