Prologue

12 4 0
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, places, and events portrayed in this book are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, or to actual events is purely coincidental.

The author has made every effort to ensure the accuracy of information within this book, particularly regarding historical or cultural references. However, the work should not be relied upon as factual or used as a guide for real-world actions.

This book contains fictional depictions of magic, fantasy elements, and alternate realities. The powers and abilities described in this book are entirely fictional and are not intended to reflect any real-world phenomena.

All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

***

Hawak-hawak ngayon ng reyna na si Queen Light ang kanyang magandang sanggol na anak na si Princess Celestia Angeline Flamiara ng biglang dumating ang Goddess of Everything sa harap niya. Nagulat ang reyna at natakot dahil sa malakas na awra nito.

"Reyna Light, huwag kang matakot. Nandito ako dahil may nais akong sabihin sa iyo."

"G-Goddess of E-Everything, ano po ba iyon?"

Biglang lumiwanag ang buong katawan ng diyosa at may mga letrang lumitaw sa kamay nito.

"Nag-iisa, katangi-tangi, sa lahat magbibigay ngiti.
Magdurusa, masasaktan, makakaranas ng pighati.
Tatapos sa kasamaan, magawa kayang mapagtagumpayan?
O matatalo ang makapangyarihan ng kasamaan?"

'Isang propesiya...' Takot na sabi ng reyna sa kanyang isipan.

"Magmadali ka, Queen Light, taglay ng iyong anak ang lahat ng kapangyarihan. Mayroon din itong dark power pero huwag mag-alala, biyaya ito ng Dark God, at half light ito, pero hindi ibigsabihin na wala na siyang light magic. Iba ang light sa dark with light, sadyang makapangyarihan ito at dapat gamitin sa tama. Siya ang magiging kauna-unahang angel princess, siya ang tatapos sa kasamaan, at ang magdadala ng kapayapaan."

Matapos magpaliwanag ng diyosa, nagsibabaan ang iba pang mga diyos at diyosa ng apoy, hangin, lupa, tubig, yelo, kidlat at iba pa. Sumama din ang Goddess of Music at siya ang unang lumapit sa prinsesa.

Magbibigay na sana ito ng basbas ng biglang may tumakbong kawal sa kwarto ng reyna kasama ang hari. Nagulat ang reyna at sinabihan ang hari na kumalma.

"M-Mahal ko, n-nagpadala ng sulat ang kapatid mo na si Eleanor... Lulusob na sila dito mamaya... Lumikas na kayo, huwag mong hayaang makita ang anak natin!"

Biglang nag-alala ang reyna sa sinabi ng hari at nag-alala pa lalo dahil kapapanganak lamang nito kahapon.

Kaagad namang rumesponde ang mga diyos at diyosa at kinausap ang mag-asawa.

Mga Flamiara, huwag kayong mag-alala, kami nang bahala sa inyong anak. Protektahan niyo ang inyong kaharian at ililikas na namin siya." Pakiusap ng Music Goddess.

Kahit nag-aalinlangan, pumayag na sila at ipinaubaya ang bata sa kanila.

Nagliwanag ang mga katawan ng mga diyos at diyosa at idinala nila ito sa kanilang kaharian bago pa sumugod ang reyna ng kadiliman.

Habang nakipaglaban ang mag-asawang Flamiara, ibinigay naman ng mga diyos ang basbas nila sa prinsesa.

Lumapit ang Music Goddess sa kanya at hinimas ang ulo nito.

Oh dear Celestia, ibinibigay ko sa iyo ang tinig ko. Hindi ito tulad ng sa akin, ngunit ito'y magiging maganda dahil ika'y isang kauna-unahang anghel na prinsesa. Maaari mong patulugin o gawin ang nais mo sa pamamagitan ng boses mo."

Dinig na dinig ang paghagikhik ng sanggol at natuwa naman ang iba pa.

Nagbigay din ng basbas ang iba pa, at halatang mas lumakas pa ang kapangyarihan ng prinsesa kaysa sa nauna.

Matapos ito, binigyan nila ito ng proteksyon at inilikas siya sa mundo ng mga tao sa gilid ng kalsada.

***

*A/N*

Hello! Yung Flamiara nga pala, pronunciation niya is "Flame-yara." Kumbaga, flame na merong yara.

Thank you guys! Hihihi!

Eternal Academy: The Lost Angel PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon