Chapter 10: Power rank: Part 2

21 2 0
                                    

*gale's POV*

Matapos makipaglaban ni Sunny ay si Blue naman yung sumunod. Nakatitig lang siya ng malamig at ng dampian ng dragon yung balat niya eh bigla itong nag-alboroto.

"Don't touch me, you fvcking bastard!"

Gumawa siya ng ice rope at itinali doon ang dragon. Dahil nga sa apoy ang kapangyarihan nito ay wala ring nangyari.

"AAAARGGHHHH! SUMOSOBRA KA NA!"

Nagpalabas siya ng mga ice spikes at ipinatama sa leeg ng dragon.

Umungol naman ng malakas yung dragon at pinagaspasan ng pakpak si Blue.

"ARAAAAYYY!!! MASAKIT 'YON AH? NAMUMURO KA NA!!!"

gumawa siya ng ice trap at ginawang kakulay ang sahig. Ng tumapak ang dragon, inangat niya ito sa ere kahit nahihirapan at ipinatalsik ito palabas. Kaagad namang gumawa ng barriers yung mga Heavenlians kaya walang napuruhan.

"Congratulations, Ms. Blue Icely! You got 86!" Saad ng MC. Tumango lang siya at sumubsob ulit sa lap ng kakambal niya.

Katapos niya ay sumunod naman si Ayesha. This would be a great fight...

Pumasok siya sa Arena na may init ang ulo pero malamig na mga titig. She blazed a fire towards the dragon pero wala itong epekto. Pinagtawanan lang siya ng dragon at pinagaspas lang ng pinagaspas yung pakpak niya na parang naaaliw pa kasi di siya matamaan.

"TSS!" Saad niya at pinatamaan ito sa ilong. Di naman ito nakaiwas at nagngitngit lalo ito ng galit kay Ayesha.

Nakadaplis ng apoy ang dragon sa braso niya at yung isa naman ay galit na galit dahil sa sunog na nitong braso.

"ARRRGGHHHH! ARAY KO! ANG AYOKO SA LAHAT, AY ANG SINUSUNOG YUNG DAMIT KO!!!! Ring of Fire, Consume me!" Chant niya at isang napakainit na singsing na apoy ang lumitaw. Ipinaikot niya ito sa dragon at halatang nagkalasog-lasog ang balahibo nito habang umaatungal ng malakas.

Sumuko na yung dragon at lumabas na siya sa Arena. She got 89 at tuwang-tuwa kami doon.

"Congrats, Ayesha!" Saad ko sa kanya at tinapik lang niya ako sa balikat.

"Ok, so let's call Ms. Perple Icely!"

Kaagad namang tumakbo si Purple sa Arena at nagpa-cute siya sa Dragon.

"Hihihi! Kumusta matusta ni Yesh, ha? Gusto mo bang mangisay sa kakyutan ko? Hihihiiiiii!"

Lahat naman ay natawa sa sinabi niya, at ang kapatid niyang si Blue eh natawa na din.

"Ice sh--- AAAAAARAAAAAAYYY!!!! Damn you! Anchakit non ah? Sinira mo face ko! Hoy! Sumbong kita kay Blue!"

Ngiting tagumpay naman ang dragon at sumasayaw-sayaw pa ito. Hinayaan lang ito ni Purple at ng makakuha ng tyempo ay sinaksak niya yung tiyan ng dragon gamit ang ice sword.

"Ice poison!" Sigaw niya. Nanginig ang dragon at napatumba sa lupa. Hindi pa ito nakontento at tinalon-talon niya pa yung taas nito na nakapagpawalang malay dito. Agad din naman itong nagising at pinagaling ang sarili. Umupo naman yung loko-lokong 'to at nakakuha siya ng 88.

Congraaaaaats!" Sigaw ng maingay na si Sunny. We uttered the same and hugged each other tight.

Sumunod naman ang mga Royalties at tinawag na si Aquana. Naglakad siya at nakasuot lang ito ng katulad ng outfit ko pero pang royalty nga lang yung sa kanya.

"Water splash!"

Nagkaroon ng bugso ng tubig at umungol na naman yung dragon. Bumuga ito ng apoy at nakakapagtakang pinakulo lang nito ang tubig ng prinsesa at ibinuhos 'yon sa kanya.

Eternal Academy: The Lost Angel PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon