*Gale's POV*
Nasa dorm lang kami ng dalawa kong mga kaibigan. Kaibigan ko nga ba sila? Of course...maybe?
Nagpapahinga lang kami kasi mamayang 2:00 PM ay balik school na naman kami for the training. Sa ngayon ay archery yung gagawin namin. Tinuro na 'to saakin nina Mom at Dad, maybe they know na dito na ako mapupunta at the first place?
Nagsoot ako ng pang PE na uniform at black rubber shoes para maporma. Pinusod ko na lang yung hair ko para di sabog-sabog.
---
Nasa training room na kami ngayon at pinapili na kami ng bow and arrow namin. Nakita ko ang isang bow at arrow na merong halo na design at nang hahawakan ko na 'yon, bigla itong bumulusok papunta saakin na ikinagulat ng mga prof namin at si Prof Archer, good para sa subject namin hahaha!
"P-Paano mo nakuha yan?"
"Hindi ko po alam. Bigla na lang po itong pumunta saakin. I'll put it back if necessary..."
Ibinalik ko yung bow and arrow sa ikinalalagyan nito at ng tatalikod na ako eh bumulusok na naman ito pabalik sa akin. Hindi ko na ito matanggal pa sa kamay ko na ikinabigla ko.
"That's the Princess's bow and arrow, Ms. Sanchez. Kindly put it back.
Nang pumasok si Princess Celestia, biglang kusang gumalaw yung kamay ko without my control at napatamaan siya ng arrow na hawak ko sa balikat at nung tumira ulit ito ay sa batok naman niya.
"AAAAAHHH!!!" Dinig kong sigaw niya.
"P-Princess, a-apologies... Hindi ko po sinasadya."
Tumango lang siya saakin at nagbigay ng "continue your training" Look.
Wala na akong nagawa at 'yon na lang yung ginamit kong pana at palaso. Kahit kasi anong tanggal nila sa kamay ko, napapaso sila o di kaya natutusok.
"Hoooooy! Galingan mo siiiiiiis!" Sigaw ni Sunny. Pumalakpak naman si Purple kasabay ng pagsigaw ni Sunny at yung malalamig? Nakatingin lang.
Sumasablay yung pagtitira ko doon sa pana't palaso nung mga unang try ko.
'Focus...'
"Ha? Sino yan?" I answered, may nagsalita kasi sa isip ko.
'Your weapon...'
Gulat na lang ang napinta sa mukha ko at di kalaunan ay napagtagumpayan ko nang matama doon sa red dot na sobrang layo.
"Paghusayan mo, magiging trainer mo ako..." Isang lalaking may malamig na boses ang bumulong na lang bigla sa tenga ko.
Ng lingunin ko kung sino, si prince Firo pala, nakatitig siya saakin gamit ang malalamig at blangko niyang mga mata.
Bumalik na kami sa dorm matapos ang ilang oras at natulog. Hindi na lang ako magdidinner sa cafeteria kasi pagod na talaga ako.
Kinagabihan mga alas dose ay nalingat ako. Nakakita ako ng isang alitaptap at inaakit akong sumama sa kanya.
'Sumama ka saakin...' bulong mula sa isip ko.
Without control, sumama ako at di ko na inalintana kung ano pang mangyayari saakin.
---
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nasilaw ako sa puting liwanag. Biglang may pwersang tumulak saakin papunta sa isang portal at hinigop ako nito.
Paikot-ikot lang ako at ng matapos, bumagsak ako sa malambot na damuhan.
"Waaaaah! Nasaan ako?" Sigaw ko sa sarili.
Merong isang babaeng nakatitig saakin na may nakangiting mata. Nakasuot siya ng crystal gown, crown na may mga different elements at mahabang buhok na wavy. Nagulat ako sa nakita ko at di makapagsalita.
"Gale, come to me..." Pag-aanyaya niya.
"W-What? A-Ah! P-Pasensya na po!" Gulat kong sabi at yumuko.
"Rise, my dear, no need to bow. Come, may ipapakilala ako sayo..."
Matapos sabihin 'yon, naglakad kami sa malaparaisong lugar. Maraming mga ordinaryo at mga kakaibang mga bulaklak, mga punong nagsisitaasan, mga damong napakasarap apakan at mga halamang nagagamit sa panggagamot at iba pa.
Pumasok kami sa isang gold na pinto at crystal ang loob. Ng maglakad kami, nalula ako sa sobrang luwag at taas.
Inilipad niya ako na nakapagpasigaw saakin.
"WAAAAH! Huhu! Ayoko pang mamataaaaaayyy!!!""
"Calm down, walang mangyayaring masama sayo..."
Kumalma naman ako at nang makarating sa taas, may kwarto na parang ulap at may nagliliparang mga fairies. Meron ding naggagandahang mga alitaptap pati na waterfalls na nakakarelax.
"Umupo ka..." She commanded, and I sat down immediately.
"Hindi ko na patatagalin pa... I'm the Goddess of Everything. And here, here are the other Gods and Goddesses. Oras na para makilala mo sila...
Nagsitinginan naman silang lahat saakin habang yung iba, nakangiti. Yung iba naman, malalamig ang mga titig.
"I'm the Goddess of Ice." Pagpapakilala ng may ice design na gown with white glowing hair at blue with half white na mga mata.
"I'm the God of Fire..." Malamig na pagpapakilala ng Fire God na may mapupulang mga mata at may fire design na damit.
"I'm the Dark God." Pagpapakilala ng isang Diyos na may dark na presence na may black lahat na outfit. Natakot naman ako at niyakap ko ang sarili.
"Huwag kang matakot saakin... Hindi ako masama gaya ng iniisip mo."
Kahit paano naman ay nakalma ako at patuloy na silang nagpakilala.
"I'm the Goddess of Everything, alam mo na, right? And I'm also the Goddess of Light. I'm the opposite of the Dark God, pero close kaming lahat."
"Hello, dear one, I'm the God of Lightning, it's a pleasure to meet you, young lady..." Sabi naman ng isang lalaking may sparks sa damit at glowing eyes.
Sumunod pang nagpakilala ang mga Diyos at Diyosa ng tubig, hangin, music pati na din ang lupa. Ngumiti naman ako at yumuko.
"Rise." Sabay-sabay nilang sabi at tumayo na lang din ako.
"Gale, please, makinig ka saakin... Kailangan mong magpakatatag. You have to be strong, you have to train, and most of all, kailangan mong paganahin yung senses mo. Not all you have in your group is true to you. Hindi lahat ng kasama mo ay totoo. Maaaring ang isa sa inyo ay nagpapanggap, o di kaya'y traydor. You are special, my dear. You are..." Mahabang paliwanag ng Music Goddess.
"A-Ako? S-Special? Hindi naman po... Princess Celestia... Siya po."
Silang lahat ay ngumiti lang sa sinabi ko at nagsalita ang Dark God.
"Binabasbasan ka naming muli..."
Matapos sabihin 'yon, nagpaikot silang lahat base sa mga ranggo nila at nagsalita ng kung ano. Nagliwanag ang katawan ko at nanakit. Sumigaw lang ako ng sumigaw at naramdaman kong may gustong pumasok saakin.
"AAAAAAAAHHH!!! D-DI KO NA KAYAAAAAAA!!!!!"
Sigaw lang ako ng sigaw at matapos ang ilang minuto, natapos na din sila.
*Goddess of Everything's POV*
May mga bagay talaga na kailangang malaman sa isang mapagsubok na paraan. I admire this girl so much, may natatagong determinasyon sa kanya.
Sana lang, sana makayanan niya ang mga bagyong darating sa buhay niya. I can't stand seeing her this way, pero wala na akong magagawa...ito ang nakatakdang mangyari.
Ihinatid na namin siya gamit ang isang portal at idinala siya sa dorm niya ng nakahiga sa kama.
BINABASA MO ANG
Eternal Academy: The Lost Angel Princess
FantasiaWhat if I ask you something... Gugustuhin mo bang maging isang prinsesa? Kung oo, sa anong kadahilanan? Paano kung sabihin ko sayo na may isang di ordinaryong prinsesa? She's not an ordinary teenage girl... Gusto niyo bang malaman ang kwento niya? H...