*Gale's POV*
Haaaay naku! Panibagong araw na naman! Hindi pa nga bawi yung lakas ko, sabak na naman sa training! Ugh! Kailan ba matatapos 'to? Diba't si Celestia naman dapat yung ginagabayan nila pagdating sa ganito? Eh di hamak na ordinaryong Heavenlian lang naman ako. Bakit pa nga ba ako magrereklamo? Kailangan ko nang tanggapin, kasi, siguro ito talaga ang nakatadhana.
Pumunta na ako sa hapag namin, of course, need din naming kumain. Alam ko naman na di nila ako pababayaan, they're the creators of this world, after all.
"Gale, anong ginawa mo kay Earth kahapon?" Natatawang tanong ni Thunder.
"I-I'm sorry! D-Di k-ko 'yon sinasadya!"
"Well, congratulations! Hindi pa din siya tumatayo sa kama hanggang ngayon! Hahahahaha!"
"T-Thunder! P-Pwede ko ba siyang p-puntahan? I-I can't stand her being in this state!"
"Hahahahahahaha! Thunder, that's enough! Don't worry, Gale, Earth is ok. Nagpapahinga lang siya. Naheal na naman siya eh, bumabawi lang ng lakas." Air assured.
"O siya, kumain ka muna diyan. Pagkatapos, maligo ka doon sa may waterfall, may healing 'yon tsaka mababawi mo yung lakas na nawala sayo." Dagdag ni Everything.
Kumain na lang ako, tapos na din naman daw sila eh. Inaamin ko, kahit yung mga pagkain nila, nakakalakas na. Guess it's worth it to stay in their world for a while.
---
Matapos kumain, napagdesisyonan kong maligo na doon sa falls. May mga bulaklak, like, roses, tulips at iba pa. May mga halaman ding nakapalibot dito pero di ko alam kung ano sila. It's my first time seeing plants like these. Yung mga dahon nila, parang mga kamay. Then sa taas, may paheart na bunga. Wonder if it's poison or what?
Nagdive na ako doon at masayang naglaro sa tubigan. Sobrang linaw ng tubig at katamtaman lang yung lamig. Kumanta din ako and oh my gosh! May serenang lumitaw! Napasigaw ako sa nangyari at yung si Water ay nagpunta bigla doon.
"Gale? Ok ka lang?"
"S-Serena! WAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!"
"Hey, calm down, calm down. Hindi ka naman gugulpihin niyan. Alaga ko siya, and I think, she likes you."
Kumalma naman ako sa sinabi niya at litong tumingin. I don't know if I'll believe her or not, but yeah, she's right. Bakit nga naman magkakapanganib dito saakin kung nandito ako sa mundo nila?
"Hihiiiii! Afraid of me? Wala akong kaibigan dito bukod sa mga Diyos at Diyosa. Pwede ba kita maging kaibigan?"
"Sure! Huwag ka nang malungkot, ok? By the way, I'm Gale. Kung pwede lang sana kitang makasama eh..."
"Your wish is my command!"
Nagulat ako ng sumigaw si Water. Napatitig ako't nawala ang atensyon ko sa Serenang 'to.
"W-Water? What are you talking about?"
"Sayo na siya, gift ko sana eh, kaso, hehehe! Nagpakita siya sayo kaagad. Alagaan mo siya, ok? Ikaw na lang ang magbibigay basbas sakanya para makapagtransform siya sa pagiging tao. Oh, by the way, magmadali ka na. You still have training with Air, right?"
Bigla ko namang naalala 'yon at bigla na akong umahon. Nakita ko ang malungkot na titig ng serena ko at inaya ko siyang lumapit.
"Sshhh... Don't worry, babalikan kita, ok? Behave ka lang."
She smiled, but only a slight one. Maybe she's already lonely for a long time. Kaagad na akong nagbihis at nagsoot ng magaan na damit.
Dinala naman ako ni Water sa gawi ni Air and di ko inasahan yung nadatnan ko! Purong ipo-ipo na lugar, liliparin ka, ihahampas ka kung saan-saan, basta! Ang lakas ng force!
BINABASA MO ANG
Eternal Academy: The Lost Angel Princess
FantasiWhat if I ask you something... Gugustuhin mo bang maging isang prinsesa? Kung oo, sa anong kadahilanan? Paano kung sabihin ko sayo na may isang di ordinaryong prinsesa? She's not an ordinary teenage girl... Gusto niyo bang malaman ang kwento niya? H...