Chapter 26: Return with Elaine and healing potion making

4 2 0
                                    

*Gale's POV*

Hooooy! Gale! Halika daliiii! Hihi! Nandito ako sa tubig!"

Natawa naman ako at lumapit. Ngumiti siya at kumaway saakin.

"Bakit, Elaine? May nangyari ba?"

"Eh, Gale, need mo muna nga palang bumalik sa mundo mo. Ilang araw ka na ding wala doon at baka maglaho pa yung clone mo. yon na din yung sabi ni Water at yung iba pa. Tsaka ka na lang daw magtrain ulit. At least, na-unlock mo na yung hindi kahina-hinala na powers."

"Ah, ganon ba? Ok then, Halika..."

"SS-Saan mo ako dadalhin?"

Hindi ko na lang sinagot yung tanong niya't gumawa na lang ng water aquarium. Napangiti naman ako at pinuntahan na yung mga diyos at diyosa.

"Oh, Gale, nasabi na ba sayo ng alaga mong si Elaine na need mo nang bumalik?" Tanong ni Air.

"Yes, and anyways, magpapaalam na kami, guys! Hanggang sa muli!"

Ngumiti naman silang lahat at tumango. Ikinaway nila yung kamay nila at bumalik na ako sa waterfall sabay lagay kay Elaine sa loob ng aquarium.

"S-Saan tayo pupunta, Gale? A-Are you going to k-kidnap me?"

"Shunga! Sumama ka na lang..."

Hinayaan ko na siyang takot at nalilito. Nagcast na ng portal si Everything at napunta na ako sa dorm ko. Nandoon ako ng makita ko ang isa ko pang sarili. Ngumiti siya saakin at ibinigay ang ala-ala niya noong wala pa ako.

"Ah, so inaway ka na naman ni Celestia?"

"Oo... Pinatulan ko, bakit? Kasi gusto ko..."

"Hahahaha! O siya, siya, you may go now. Nandito na rin naman ako."

"Take care, self... Huwag mong hayaang maapi ka nila."

Matapos niyang sabihin 'yon, bigla na siyang lumiit ng lumiit at naglaho na parang usok. Kaagad na din akong naligo at nagsoot ng simpleng damit. Nagsusuklay lang ako ng dumating si Ariana. Galit na galit siya at halatang anytime from now eh bubulusok na siya.

"Ariana? Anong nangyari sayo?"

"Ugh! That annoying princess! She was captured by the Hellians! This is such a frustrating moment! Nagpapahinga ako, tapos purong kasamaan lang yung alam, then ngayon, ito? Kailangan natin siyang iligtas?"

"Hush...it's ok. We have no choice, plus, she's still the princess of the princesses. Ililigtas natin siya, ok? Huwag kang mag-alala, nandito ako para sa inyo. Wala nang ibang magtutulungan kundi tayo-tayo lang din."

"How to be you, Gale? Galit, pero nagagawang magpatawad? Naiinis ka, pero nagagawa mo pa rin makitungo ng maayos? Gale...how to be you?"

Natawa naman ako't umirap. Inikot ko yung mata ko na ikinatawa din niya.

"Simple, always think about the positive side of everything. That, it'll be fine, it'll be over soon...basta mga ganon. Don't let hatred and anger consume you, cause it would lead to something that you can't imagine."

Tumango-tango naman siya at kumalma ang ekspresyon. Niyakap niya naman ako at bumitaw din naman di kinalaunan.

"Well, bukas, ok? We'll save that stupid and annoying princess..."

Tumango na lang ako at ngumiti. Ng makalabas siya, naalala kong yung water aquarium ko, nasa lapag. Nakita ko si Elaine na takot na takot pa din.

"Elaine, it's ok... Don't be afraid. You trust me, right? We're here, at the academy. Eternal Academy... Itatransform na kita para maging hevenlian, ok? But don't worry, you could still be a mermaid if you want."

Eternal Academy: The Lost Angel PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon