*Gale's POV*
I've learned a lot during this training... Well, nagagawa ko na ring ma-turn on or off yung vision ko. Bale, nag-t-train ako with vision muna sa simula, tapos without naman after. O, di ba? Ang hirap!
Napunta sa ala-ala ko na ipinagtapat na ng clone ko yung tunay niyang katauhan, and I never thought of her to be that brave to face whatever it takes kung sabihin man niya yung totoo.
Ngayon, may other ability pa ako. Haha! Magiging mahirap 'to! Para siyang water, pero sa pagkakaalam ko, blood manipulation naman 'to. Ano 'yon? Lulunurin ko yung kalaban gamit yung dugo? Eh, wala naman 'to sa mga movies na napapanood ko ah? Usually, air, water, fire, earth, levitation, telepathy, etc lang naman yung mga abilities nila. But this? This is so hell different...
Yung mom ko na yung mag-t-train saakin, or also known as, Everything. Ayaw kong makasama yung tatay-tatayan ko. I know I shouldn't hold grudges, but the pain he gave me was enough to tare me apart.
Gale? Anak? Halika na. Are you ready?"
"Coming, mom!"
Dahil kabisado ko na rin naman yung lugar without my vision, tumakbo na ako at nakita ang maliwanag na korona niya.
"Anak, this would be different. Para siyang tubig, oo, pero ang atake? Iba. Pwede itong maging masakit, kasi alternative siya sa pananaksak. You can make waves using this and kapag tumama yung wave sa tao, or sa kung sinumang kalaban mo, they'll be wounded and that wound would be very open. Imagine na gumamit ka ng malaking pambutas sa papel...ganon ang mangyayari..."
Gulat at takot ang namayani saakin. Paano kung ako yung matamaan? I'll be dead!
"Don't worry, with proper control, magagawa mo din. Halika na't mag-t-training na tayo."
Tumango naman ako at nagpunta na sa training ground. Nakatayo lang ako habang pinapakiramdaman ang hangin.
"Ok, go ahead and do push-ups. 50 times."
"W-Wait! F-Fifty times? S-Seriously?"
"I maybe a sweet mother, but I'm serious when it comes to trainings. Now go ahead and do that push-up, now!"
"B-But m-mom---" "Ok, 100 times. Happy?"
Oh my...goodness? I never thought na ganyan pala si Mom sa training? She's worse! Very worse! Huhuhuhu! Di na lang ako umangal pa at nagpunta na lang sa flat na lupa. Nag-push-up ako ng 100 times at tawa naman ng tawa 'tong nanay ko.
"Go lang, anak! Sorry, but I'm not like the Gods and Goddesses you've encountered. Sabi ko naman sayo, never expect that I would be the same as them."
Dahil sa takot na dagdagan pa niya, ako na lang ang nagkusa at dinagdagan pa ng 100 yung push-ups ko. Aaarghh! 200 times...see? Ang masunurin ko?
*A* "Feeling..."
"No! Hindi 'yon totoo! Masunurin ako!"
*A* "Shut up! Magpatuloy ka na diyan at may gagawin pa ako..."
---
"Oh, nak! Anyari? Sabi ko, 100 times lang, bakit mo ginawang 200? Masyado ka naman yatang masunurin para gawin 'yon?"
"Mom! Hindi ka naman ganito saakin sa human realm eh! Huhu! Eh, sa ayaw kong dag...-dagan mo...pa... o-o di *gasps* d-dinagda...gan ko na!"
Nakita ko naman ang ngiti niya sa labi...well? Yeah, nakikita ko. Ito na lang yung pwede kong makita. Ma-t-turn on ko na lang yung vision ko sa training or kung importante.
"Ok, rest, 5 minutes. After, run 10 laps. Naiintindihan mo ba, babae?"
"Mom naman eh! 10 laps is equal to 4 kilometers! Maawa ka naman saakin! Huhu!"
BINABASA MO ANG
Eternal Academy: The Lost Angel Princess
FantasiWhat if I ask you something... Gugustuhin mo bang maging isang prinsesa? Kung oo, sa anong kadahilanan? Paano kung sabihin ko sayo na may isang di ordinaryong prinsesa? She's not an ordinary teenage girl... Gusto niyo bang malaman ang kwento niya? H...