TALA EUGENE
KINABUKASAN ay dalawa kami ni Ate na pinatawag sa opisina ni Dad dito lamang sa pamamahay namin.
"DAHIL DIYAN SA KABOB0HAN MO! TAYO LAMAN NGAYON NG BALITA" Nang gigiliating sabi ni Mom sakin.
"Stop that Lucy" Dad's voice was firm.
Dalawa kami ni Ate Tally na tumatayo dito sa harap nilang dalawa pero para bang ako lang ang nakikita ni Mom.
"Kaya ganyan yang anak mo Theodore dahil kinokonsinti mo! Ngayong malaki na ang ulo nyan, damay tayo!"
" M-mom it's all my fault. Walang kasalanan si Tala dito pinagtanggol lang nya ako" Sabad ni Ate ngunit hindi lang iyon binagyan ng pansin si Ate
" Tala why did you do that?—"
"Did you try to find out who they are, bago ka nagpakabida? Ba't hindi ka nag iisip ha? Are you stvpid or something?" Bulas ni Mom
"Who the hell do you think you are para banggain ang pamilyang yun? Buti sana kong hindi mo dala ang apelyido ng pamilyang 'to!"
"I said stop Lucy!" Galit na puna ni Dad.
" Huwag ako ang sabihin mo niyan Theodore! Sirang sira na ang image natin sa mga tao dahil sa salvt na 'yan!"
" Mom stop, Dad. Dad please" Bakas sa boses ni Ate ang pagmamakaawa
Sa pangalawang pagkakataon ay narinig ko iyon kay Mom. Kung sino pa iyong ina na mismong kadugo ko ang syang kusang sumasaksak gamit ang matatalim na salita sakaniyang anak. Ramdam ko ang pag higpit ng aking puso dahilan upang mamuo ang aking luha sa mata.
" I-is that more important than me, Mom? Dad? Iyang imahe nyo. Ni hindi nyo ako tinanong kong nasaktan ba ako don o kaya'y okay lang ba ako?"
I let out fake laugh "This is unbelievable! You jumped into conclusions without asking my side! —"
Mabilis pa sa segundong dumapo ang mabigat na palad ni Dad saking pisngi, making me speechless and eyes wide.
"Dad no please!" Pigil na hinawakan ni Ate Tally ang braso ng Dad.
Sunod sunod na lamang ang bagsak ng aking luha "Don't act dumb here Tala! Ikaw ang dahilan kung bakit nadawit ang apelyido ko dito!" Mariing sabi ni Dad. Humarap ako sakniya saka pinalis ng aking palad ang mga luhang animo'y running water dahil sa walang tigil na pag bagsak.
"Okay then aalis ako. It's what you've always wanted diba? FINE" Diin kong sinabi ang kahuli hulihang salita.
"Sige umalis ka! Don't dare to comeback here. Sisiguradohin kong wala kanang mababalikan Tala Eugene!" Pagsisigaw ni Mom habang si Dad ay tila tulala matapos niya akong sampalin.
Hindi pa ako nakalabas sa kabuoan ng bahay ay narinig ko ang boses ni Ate dahilan upang mapahinto ako sa paglalakad. Pinahid ko ang aking palad saking pisngi bago humarap sakaniya.
"T-tala I-i am really so sorry for dragging you. Please 'wag kang umalis" Umiiyak niyang sabi habang hawak hawak niya ang aking dalawang kamay.
Kusang lumandas ang luha ko, hindi ko na nagawang pigilan pa ang sunod sunod na pagbagsak ng aking luha.
"It's okay it's okay" I glared at her with a small smile before nodding mg head in reassurance. Ramdam ko ang mga lungkot sa kaniyang mga mata, making my heart clench in pain.
Napaka fragile ng kapatid kong 'to.
I hugged her "Mas ikakabuti ko kung wala na ako sa puder nila. Hellow pag titiisan ko nalang yong shota ko kaysa magpakasal sa di ko kilala no" Pabiro kong sabi. She hugged around my neck as she chuckled
"I love you Tala. I love you so much, please take good care of yourself" Her voice cracked.
"I will ate, I love you more"
TATLONG araw na kaming nag away ni Jaydon kaya talagang wala akong ni isang message na natanggap mula sakaniya.
Sinubokan kontaking siya, nakahinga ako ng maluwag ng narinig kong nag ring ang kaniyang cellphone.
"Hello Jaydon?"
"Hello Jaydon is not here" Narinig ko ang boses ng kaniyang babaeng pamangkin.
" Where's your tito, Jai?" I asked
"He is having date with his girlfriend " Strikta niyang sagot, bata man ang kausap ko ay tila nakaramdam ako ng kakaibang kirot na para bang may tumusok na karayum saking dibdib
"How did you know that he has a girlfriend?"
" 5 years old hears everything" Aniya
Tila lumilipad ang aking utak habang binabagtas ang daan na hindi ko batid kong san patungo. Kakaibang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Hinampas ko sa steering wheel ang aking dalawang palad nang maramdaman ang galit, sakit at pagkamuhi na nagrambolan saking utak.