S E V E N

3 0 0
                                    

ELEO SEBASTIAN

IT is currently 3:30 in the morning and I am wide awake. Hindi mawala wala sa isip ko ang mukha ni Tala lalo pa ay nadamay pa sila ng kaniyang kapatid dahil sa gulong ginawa ni Channel. I made my way down stair upang kumuha ng maiinom.

"How's things?"

"Things are good" I replied to the voice without attempting to locate its source

Kita sa peripheral vision ko ang kaniyang pagsalin din ng alak sa kinuha niyang rocks

I heard him chuckled "I doubt that" Dumapo kay Dad ang aking tingin at kita nga doon sakaniyang mata na tila nagdududa.

"Something's bothering me Dad"

"And who is that something?" He questioned

"M-maybe what happened a while ago is the reason?"

Dad smirk at me with judgemental stare "Do you know na nong diagnose si Eleiah, mommy ni Eugene ang neurosurgeon ng kapatid mo but sadly hindi kinaya ng kapatid mo ang operation" Kwento ni Dad, malamig man ang pagkakasabi ni Dad sa bawat salita ay ramdam ko sa himig ng kaniyang boses ang lungkot.

"How did that happened Dad? Base sa inpormasyon na dumating sakin his mom didn't graduate her college-"

" Lucy is not his biological mother pero siya ang legal na asawa. Gusto ni Lucy ng lalaking anak at dahil nagkaroon siya ng ovarian cyst wala na siyang kakayahang mag buhay pa ng bata sa kaniyang mismong sinapupunan. Theodore decided to took Tala from his mother-" Dad paused for a second

" Wait D-dad, how did you know all of this?" Pagtatakang tanong ko sakaniya.

Palihim siyang natawa " How did you know about Tala's mother?" Balik niyang tanong sakin na ikimaang ko ng labi

"K-kasi ni research ko lang ang family De Roma gawa ng pakipag susyo nila satin" Palusot sakaniya ngunit tila hindi kombinsido ang aking ama saking palusot.

" You can't fool me Sebastian" He shook his head and a playful smirk plastered on his lip

Lumapit siya saking kinatatayoan at bahagyang pinikpik ang aking balikat "I'm not born yesterday" May panunuya nya pang sabi.

Ilang sandali pa ay katahimikan ang namumutawi sa pagitan namin ni Dad.

"D-dad I'm so confused right now" I broke the silence, malamig na tinapon niya sakin ang kaniyang tingin. Hindi pa man siya sumasagot ay tila pinapahiwatig ng kaniyang mata kung ano ang dahilan

"Do you believe in love at first sight? I know h-how insane that sounds pero-"

He smiled teasingly dahilan upang napakamot na lamang ako saking batok. Nilagok niya ang alak sa baso

TALA EUGENE

BINAGBAGTAS ko ngayon ang daan na hindi ko alam san tutungo. Patuloy lang ako sa pagdadrive at halos binubusinahan na ako ng mga nakasunod sakin- kaka overtake.

-
Gusto mo man o hindi magpapakasal ka kay Devon Ventura!

Ayoko!

It's for your own good Tala!

For own good? How come Dad?

-

Pag nagpakasal ka na sa anak ni Ventura, magkakaroon kana ng hati sa yaman nila.

Bakit hindi si Ate?

Ayaw ng mommy mo

Bakit pag ako pwede? Nagdesisyon ka ng hindi ko alam dahil alam mong hindi ako papayag. How could you do this to your own son?

GUILTY PLEASURE Where stories live. Discover now