ELEO SEBASTIAN
"Eleo where exactly you are? Hindi mo 'ko puwedeng sagotin ng 'dito lang sa ano' hindi na ako natutuwa" May himig ng panggagalaiting boses ni Mom sa kabilang linya.
Napahilot na lamang ako ng aking sentido nang wala akong masagot sakaniya.
"Mommy malaki na si Eleo, alam na niya ginagawa niya" Narinig kong boses ni Dad
" Huwag kang mangialam Simon! Pag ako umalis huwag mo din akong hanapin dahil malaki na ako" —lagot. Alam na alam ko ang ganitong linya ni Mom, sa guest room nanaman ang patutungohan ni Dad nito.
" Eleo answer me! Asan ka ba talaga?" Ramdam kong nauubos na ang pasensya ni Mom.
Pumikit ako nang mariin saka humungot ng malalim na hininga at bumuga sa kawalan upang pakalmahin ang aking sarili.
Gusto man naming magkakapatid o hindi, simula bata pa kami ay may mga mata ng pinapabantay samin—making sure that we're safe and properly guarded all the time. We couldn't blame them however; mataas at mahusay na CEO si Dad.
"Nasa batangas lang po ako—sa rest house ko" I answered
"Bakit hindi ka nagpaalam nak? Sinong kasama mo diyan?" May bakas ng pag alala ang kaniyang boses
"You wouldn't believe it if I told you" I said and suddenly smile plastered on my lip
"Eleo" He warned
"Si Tala De Roma—"
I heard a stifle from him dahilan upang nakaramdam ako ng pag aalala "Mom are you okay? Are you crying? What's the matter mommy?" Ramdam ko ang bigat sa aking dibdib ng marinig ang mga mahihinang hikbi ni Mommy sa kabilang linya.
"Love why?" Rinig ko ang paglakas ng boses ni Dad sa kabilang linya, hudyat na lumapit siya kay Mom.
"O-okay lang ako. Masaya naman ako na may natitipohan na ang anak natin but I couldn't accept the fact that he was growing up and moving out of my care. Ni hindi siya nagpaalam na may ka live in na siya doon"
Kusang gumuhit ang mapait na ngiti saking mga labi ng marinig iyon wika ni Mom sa kabilang linya. Ang layo na ng inabot ng isip ni Mom
"Mom hindi po ako nakipag live in kay Tala"
" I was so worried about you anak pero alam kong masaya ka kasama yang taong yan—supportado kita anak" Kalmado niyang bulas bagaman rinig ko parin ang kaniyang hikbi.
MATAPOS ang paguusap namin ni Mom ay nanatili pa din ako saking kinatatayoan upang tanawin ang pagbaba ng araw.
"Who are you talking with?" The voice behind me snapped me out my trance
I chuckled "I wasn't aware na maliban sa masungit, chismoso ka din pala" I said teasingly.
" Excuse me!" He growled, irritation apparent in his features and tone.
" Alam ba ng kausap mong 'yan na may kinama kang iba?" He asked scrunching his eyebrows. Hindi ko na siya binigyan pa ng sagot
Ilang sandali pa ay tanging tunog na lamang ng alon ang naririnig ko sa buong paligid bagaman nakaramdam ako parin ako ng nakakabinging katahimikan.
"T-thank you—dinala mo 'ko dito at hindi mo 'ko iniwan don. Pasensya na sa inasal ko a while ago hmm it's partly my fault ka-kasi" Ramdam ko ang nagtutumalon kong puso sa tuwa nang marinig ang kaniyang pasasalamat
" Not a big deal" I said nonchalantly
Kita saking peripheral vision ang kaniyang paghakbang "Sorry" Maging ang aking sarili ay nagulat saking sinabi. Dinidektahan ng aking puso ang aking bibig kaya nasambit ko ang iyon ng hindi nag iisip.