TALA EUGENEI awoke with the sun shinning brightly on my face and for some reason there was an idiotic smile plastered on my face.
Sino naman kasing hindi mapapangiti? Napagod man ako worth it naman. Proud na sabi sa kaloob looban ko
I glanced at the clock‚ it’s currently 10 in the morning. I did my morning routine‚ pagkatapos ay bumaba na din ako dahil baka nasa baba lang si Eleo.
May ngiti sa labi kong tinungo ang baba at naabotan ko doon si Eleigh sala‚ abala sa pagtitipa ng kaniyang laptop. Kaliwa’t kanan ang pagsulyap ko‚ ngunit bigo akong makita si Eleo
“Are you looking for kuya‚ Gene?” Tanong ni Eleigh‚ nahihiya man pero tumango ako dahil hinahanap ko naman talaga si Eleo.
“Maaga siyang umalis‚ hindi ba siya nagpaalam kong san siya pupunta?” Muli niyang tanong‚ iniling ko ang aking ulo.
“S-sige Ms. Eleigh‚ sa taas ko nalang siya hihintayin” Saad ko.
“Drop the formalities—Eleigh nalang‚ Gene. Wait‚ are you not going to eat?”
“Pag dating na lang ni Eleo—” she cut me off
“No‚ baka mamaya pa yun si Kuya. Ipapahatid ko nalang kay Ate Senya yung food mo” Aniya kaya tumango nalang ako.
“T-thank you” Sabi ko at sinuklian niya naman ng ngiti. Muli akong bumalik sa kwarto ni Eleo.
Ilang sandali pa ay tumunog ang seradura at bumakas iyon saka iniluwa si Eleo. Imbis na masiyahan ako ay puno ng pagtataka at tanong ang pumasok aking utak dahil namumula ang kaniyang mata maging ang kaniyang buong mukha. Napakislot ako sa gulat nang pabagsak niyang sinara ang pinto saka hinarap ako.
“You thought you could fool me‚ Tala?” He asked glaring at me venomously
Kunot noo ko siyang tinignan “W-what are you talking about? ” hindi ko man alam ang pinagsasabi niya ay nakaramdam ako ng takot dahil sa tingin na pinupukol niya sakin.
“Don’t you dare to lie because I know everything‚ Tala! EVERYTHING! ” Eleo was glaring at me with pured hatred boiling his hazel eyes. Never had I seen him this way and it scared the living delights out of me.
My breath was shortening‚ as my legs began to tremble. Gayun pa man ay sinubokan kong tumayo upang hawakan siya pero iniwakli niya ang aking kamay “Don’t touch me!” his eyes were flashing angrily at me. Hindi ko na maiwasan ang luhang sunod sunod na pag bagsak sa aking pisngi.
Binuksan niya ang envelope na kaniyang dala dala saka kinuha ang laman niyon. Nang makita ko sakaniyang kamay ay halos nawalan na ako ng lakas “Eleo‚ let me explain—”
“I don’t want to listen to you!” He yelled‚ clenching his fist so tight—veins were appearing.
Animo'y ilog ang aking luha sa walang tigil na pagbagsak saking pisngi. Nahihina ako‚ nasaktan ko siya. Kung nasaktan ako ngayon ay mas nasaktan ko siya‚ maging luha niya ay nag si bagsakan na din sakaniyang pisngi ngunit walang ibang expresyon ang pinapakita ng mata niya—puno lamang ang mga ito ng galit.
Naupo na ako sa sahig dahil hindi na kinaya ng nanginginig kong tuhod at nanghihina kong katawan.
“Eleo please pakinggan mo ako” pagsusumamo kong sabi ngunit walang pinagbago ang kaniyang expresyon.
Hindi ko kilala ang Eleo’ng nakatayo ngayon saking harapan
“How could you do this to me‚ Tala?” Kasabay ng pagbigkas niya sa salitang yun ay doon ko nakita ang sakit sakaniyang mga mata.
“HOW COULD YOU FVCKING DO THIS TO ME!” sigaw niya kasabay ng pag balibag niya ng mga picture na kanina’y hawak niya
Halos naging statwa ako dito sa sahig ng tumalikod siya at sinuntok ang pader‚ ibinalibag niya ang TV‚ maging ang mga gamit na nakita niya.
“Eleo tama na please‚ nasasaktan na ako” Pagmamakaawa ko sakaniya‚ tumigil siya saka ibinaling ang tingin niya sakin.
“Nasasaktan ka? Paano ako?” He growled‚ glaring my way for an answer.
Nanginginig man ang buo kong katawan ay pinilit kong tumayo. Lumapit siya sakin
“SAGOTIN MO AKO‚ TALA! PAANO AKO? sa tingin mo hindi ako nasasaktan? Ganon ba ako ka heartless that I won't get hurt? I-i may look like a ruthless pero I also have a sensitive heart! Nasasaktan din ako—”
“Eleo please‚ hear me out—”
“I don’t want to hear your explanation or excuses‚ Tala. Ayoko ng marinig pa ’yang mga kasinungalingan mo” He said his voice nothing but disgust.
“I don’t want to see you anymore. Umalis ka na” His voice cracked.
“Umalis kana—” he paused for a second. Yumuko siya kasunod ang pagbagsak ng luha niya sa sahig “Huwag kanang magpakita sakin‚ hindi ko kailangan ng liar manipulative b1tch like you‚ sa buhay ko” He uttered with a deadly calm voice—hindi ko mapigilan ang sarili at agad na dumapo ang aking palad sakaniyang pisngi.
Umiiling akong humakbang pa atras.
Hindi ko siya kilala. Hindi siya si Eleo’ng minahal ko.
I felt like my heart was just stomped by an elephant over and over‚ making it bleed senselessly.
Hindi ko na kinaya‚ tinungo ko ang pinto upang lumabas. Pagbukas ko ay nasa labas pala si Tita Elijah at Eleigh. Bakas sakanilang mukha ang lungkot
“I’m sorry po Tita‚ Eleigh—”
Hindi ako pinatapos ni Tita Elijah saka niyapos niya ako ng kaniyang kamay habag hinimas naman ni Eleigh ang aking likod.
“Magpalamig na muna kayo okay. Pagusapan niyo ’to‚ I know that Eleo doesn't mean what he said. I hope you understand him‚ anak” Tita said in apologetic tone.
Wala akong ibang ginawa kundi umiyak‚ maging sina Tita Elijah at Eleigh ay umiiyak din habang inaalo ako.
“Magiging okay din ang lahat‚ Gene. For now‚ magpalamig na muna kayo” Alo ni Eleigh. Bumitaw ako ng yakap saka nagpasalamat sakaniya at luhuang nilisan ang kanilang bahay.