TALA EUGENE

“Anong hindi ka magpapakasal? Nahihibang kana ba talaga‚ Eugene? Hindi ka na nga nakatulong‚ yet you’re still giving us a headache! Mabuti pa si Tally”

There goes the comparison again.

It goes always been like this everytime I arrive in the house. Wala silang ibang nakikita sakin kung hindi ang mga pagkakamali ko‚ lahat ng mga sariling desisyon ko sa buhay ay mali sa paningin nila. Gusto nila ay sundin ko din sila katulad ng pagsunod ni Ate Tally sakanila

Hindi ko nagawang sumagot sakaniya‚ animo’y punyal na tumatarak saking dibdib ang binibitawan niyang salita

“My decision is final‚ hindi ako papayag na magpakasal to someone I don’t truly know” Tears fall down my face as much as I try holding them back

Ramdam na ramdam ko ang kaniyang matatalim niyang tingin “Where did you get the audacity‚ Eugene? After all I’ve done for you—feeding you‚ giving you everything you want‚ and sending you to an expensive school. This is how you repay me? Ang kapal talaga ng mukha mo!” Nang gigilaiti niyang sabi.

I clenched my hands holding my temper “What kind of mother are you? You’re willing to marry off your own son to someone I don’t even like‚ just for money? How dare you?” Mabilis pa sa segundong dumapo ang mabigat niyang kamay saking pisngi. Sunod sunod na kumawala ang luha ko.

“Huwag mo ’kong questionin sa pagiging ina ko! Kung hindi ka natutuwang naging ina mo ’ko mas lalong hindi ako natutuwang dumating ka sa buhay namin!”

“Babawiin  ko lahat ng ari arian na binigay sayo ng ama mo! I’ll make sure you’re left with nothing‚ not even a piso! You ungrateful  shameless—” Hindi niya natapos ang kaniyang sinabi ng napahawak siya sakaniyang dibdib na para bang naninikip ang kaniyang dibdid. Dali dali ko siyang kinahawakan

“Mom?” Nanginginig kong sambit sakaniya ngunit hindi siya nakasagot na para bang hindi makahinga.

“MOM! MANANG LUZ! MANANG LUZ HEEEELP! MOMMMYYY” Pag susumigaw ko at dali daling lumapit si Manang Luz.

“Ma'am! Jusko—Erwin yung sasakyan! Bilis!”

MATAPOS ng pangyayareng iyon ay wala na akong ibang choice kung hindi sumama na lamang  sa pamilya ni Eleo. Nararamdaman ko ang takot na pumapasok sa akin‚ alam kong wala akong magagawa. Si Dad mismo ang nag desisyon‚ pinagbabawalan na si Ate Tally na makipag-ugnayan pa sakin

Having no other options‚ kaya tinanggap ko ang handog ng pamilya Lascano sa akin. Ayaw man ni Ate ang naging desisyon ko‚ but she had no choice.


“I was at Lilly’s unit nong tumawag ka. And I got caught in traffic on the way here”

“Are you for real‚ kuya?”

“Do I look like joking‚ Eleigh?”

I felt the pang of jealousy again.

I was jealous of her—for she was his first love. I tried to prevent my tears from falling ngunit bigo ako kaya yumuko na lamang ako upang hindi nila mapansin.

Ramdam ko ang kamay ni ate sa baba ng aking hita. Inaalo ako niyon‚ kung wala lang si Mr. Simon at Tita Elijah tiyak na kanina pa niya sinagot si Eleo.

“Pasensya na kayo‚ Gene‚ Tally. He’s dealing with some problems at the company right now”

I slowly nod my head with small smile“O-okay lang po”

Umupo si Eleo sa tabi ni Eleigh kung san tapat ko lang siya. Pansin ko ang kaniyang matatalim na tingin sakin ngunit hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin.

“So‚ this is the set up. Eugene will sleep in your room— at ikaw Eleo you can use the guest room”  Paliwanag ni Tita na ikina kunot ng noo ni Eleo.

“What? I’m sleeping in the guest room?” He exclaimed

“Ako na lang po sa guest room” Saad ko “Hindi pwede‚ the aircon filter in the guest room hasn’t been cleaned yet” Sagot naman ni Tita.

Mas lalong nandilim ang aura ni Eleo sa narinig “Tapos ako pwede sa may maduming aircon” Dismayado niyang sagot.

“Eleo‚ if you don’t like the guest room. You can stay in the maid’s quarters instead. Kakalinis lang ng aircon nila don" Sir Simon said coldly‚ in his undertone but dangerous

“I’ll stay in the maid’s quarters nalang po” Pagbubulontaryo ko.

“Don’t worry about him‚ Eugene. Basta you’ll sleep in his room” dagdag naman ni Eleigh. Napakagat na lamang ako saking ibabang labi dahil talagang ramdam ramdam ko na ang galit na tingin sakin ni Eleo. Kung nakakamatay lang ang mga matatalim na titig‚ tiyak kanina pako hindi humihinga.

He sighed irritatedly “Fine. I’ll sleep in the penthouse instead”

“And Eleo‚ please ensure Eugene has your support during his doctor’s visit” Tugon ni Tita

“We have the driver to take care of that. Marami akong trabaho sa opisina” He grit out unable to contain his irritation

“Kuya‚ that’s your responsibility since you’re the one who got him pregnant”  Sabad naman ni Tian.

“We’re not even sure nga—if that child in his womb is really mine. This is bvllshit! ” He said as he chuckles sarcastically.

Kasabay nang pagbigkas niya niyon ang luhang dumadagoydoy saking pisngi. Hindi ko napigilan ang luha at wala na akong pakialam kong nakikita ako ng pamilya niya. Durog na durog na ang puso ko sa narinig‚ maging sila ay hindi nakasalita dahil sa gulat.

Ang dumi dumi ko pala sa paningin niya?

“Don’t you dare talk to my brother that way!” Galit na sigaw ni Ate Tally kasabay ng paghampas niya sa kaniyang dalawang kamay sa lamesa bago tumayo.

“Nang dahil sayo—he ruined his life! His fvcking love for you is the reason kung bakit itinaboy siya ng Mom at Dad ko!” Pinipilit ni ateng huwag bumigay at ipakita sakanilang galit na galit siya ngunit bigo siya dahil ang ang boses niya ng sinabi iyon.

GUILTY PLEASURE Where stories live. Discover now