Chapter 19: Miracles are for us

3.3K 88 1
                                    

Hi! Salamat sa pagbabasa nito! Smile tayo. Ganito. ^_^

MIRACLES ARE FOR US

***

Andrea

"Ano?!" Tinakpan ko yung dalawa kong tenga, yan yung reaksyon niya, Pagkakwento ko ng mga nangyari samin ni kailey. "Best naman eh? Mahal ka na nung Taong mahal mo, tapos.. Tapos.. Babalewalain mo lang? Grabe, parang gusto ko tuloy mainlove Kay kailey niyan eh.. Aagawin ko kaya siya sayo?" Napa tayo ako mula sa pag kaka upo ko sa classroom namin as usual wala yung prof namin, sinamaan ko siya ng tingin.

"Sige, subukan mo! Makikita mo hinahanap mo!! I'm warning you jannika, subukan mo lang talaga at ng makalimutan kong Bestfriend pala kita." Diretsahan kong sabi sa kanya. "Easy! Best, nakikita ko na ugat mo sa leeg oh? Paano naman kasi nag effort na nga siya para sayo, ayaw mo naman, tapos nagagalit ka kapag may ibang gustong mag mahal sakanya. How selfish you are." Inirapan niya ko.

I sighed, selfish na nga siguro ako, "natatakot kasi talaga ako kung sakaling sinabi ko na.. mahal ko din siya.. " lumapit sakin si jannika at Inakap ako. "Naiintindihan naman kita best eh, but ang pinupunto ko, Kung di mo talaga kaya siyang Panindigan, edi let her go, ngayon pa lang.. Unfair kasi sa kanya." Hinigpitan ko yung akap ko Kay best. Na iiyak na ko, kailangan ko ba siyang i let go na? Naramdaman ko bigla, nag vibrate yung phone ko. Pero hindi ko na lang pinansin muna.

"Best, kasi naman masyadong masasaktan si kailey kapag tumagal pa.."sabi niya pa, tiningnan ko siya, baka naman balak niya talagang ligawan si kailey? Hindi kaya? "Best? Baka naman gusto mong aagawin lang si kailey sakin? Bad yun!" Umiling-iling siya. "Nope, hindi ko siya aagawin sayo, alam mo yan. Joke lang yung kanina. Ang gagawin ko.." Tinitingnan ko siya ng Maigi. Sumeryoso siya.

"Ang gagawin ko, sasama ko siya sa mga modeling events ng company namin, maghahanap kami dun, ng ipapalit namin sa inyo ni Nikka." Sabi ng tumatawa. Hinampas ko siya sa braso, "ARAAAAY!!"

Pinandilatan ko siya ng mata, "hindi lang yan aabutin mo kapag ginawa mo yun. Sinasabi ko sayo JANNIKA RHEA MONTEMAYOR! wag mong turuan ng kalokohan si kailey!" Lumabas na kami sa room at naglalakad papunta sa next class namin. 

Binalaan ko siya ulit, "wag na wag mo talagang gagawin yun! Kundi IBABAON KITA SA LUPA NG BUHAY!" Tumahimik na siya natakot yata, at naka tingin siya sa bandang Harap namin. Napa tingin din ako at Nagulat..

"Can I have a dinner with you, Tonight?" Yan yung nakasulat sa isang malaking cartolina. Hawak Hawak ng dalawang lalaki, at heto siya papalapit na..

"Anong sagot mo? Ms. Andrea." Tanong sakin ni Nicholai.

Nag isip muna ako, wala naman akong plans after ng school, so I guess okay lang, "sure." Sabi ko sakanya. Nag hiyawan yung mga Tao sa hall. Yung iba pumalakpak pa. Ngumiti din sakin si Nicholai.

"Tara na kailey! Pumunta na tayo sa next class naten.." 

Napa ikot ako bigla, nakita ko siya, naka tingin samin ni Nicholai.. Malungkot yung  mata niya. Sumunod na din siya, Kay Sam. Hindi lang pala, sila ang Nandito pati din yung mga kaibigan namin, pupunta na din siguro sila sa next class nila kaya nakita nila ito.

"So mamaya Andrea?" Hindi ko na narinig yung tanong ni Nicholai. Biglang nag bell na. Hindi niya na din inulit. Nagpaalam na kami ni best sa kanya at pumasok na sa room namin. "Ui, Andrea, ikaw na dyosa talaga! ang swerte mo naman!, nakabingwit ka ng captain." Ngumiti na lang ako sa classmate ko, kung alam niya lang.. Nabighani din ako sa isang dyosa.. 

Speaking of her? Bakit kaya hindi niya ako nilapitan simula kanina? Anung nangyayari sa kanya? Nung mga nakaraang week kasi, after ko makatanggap ng Sulat mula sa kanya. Lagi siyang sumisingit ng pag eeffort sakin. Medyo sweet nga siya eh, nagbibigay ng rose minsan, hinahatid ako sa parking, minsan hanggang sa bahay kapag nagkataon na may practice si Nicholai. O kaya pinapayungan ako kapag umuulan, minsan nga binigay niya pa yung jacket niya sakin. Mas na appreciate ko pa yung ginagawa niya, kaysa Kay Nicholai.  

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon