Chapter 21: Bizaare love triangle

3K 79 0
                                    

HI GUYS! :)))


BIZAARE LOVE TRIANGLE

***

Kailey

Nasa greenfield ako. Dito ko kasi sinabi Kay Joyce na mag kita kami. Kaya heto hinihintay ko siya, actually, naging sweet na ulit siya sakin, after nung incident na Muntikan na kaming mag kiss, sobrang pigil ko kaya nun, buti na lang kundi baka sampalin niya ko after at magsisi siya.

Maaga kaming pinalabas ng prof namin, pero sabi ni Joyce may pupuntahan daw muna siya sa library. Kaya antayin ko daw siya. Inaayos ko na yung mga foods, carbonara, clubhouse sandwich, may steak din akong hinanda at sinigang na hipon, then yung dessert, lecheflan. Surprise ko sa kanya, minsan lang ako maging romantic haha.


Time check 12:07

Hm, tapos na kaya siya sa ginagawa niya? Kanina pa kasing  11:20am pinalabas ng prof eh. Makapag basa nga muna ng book. 

.

.

.

Hanggang sa naalimpungatan ako, nakatulog pala ako,  buti na lang sinapin ko yung jacket ko sa skirt ko kundi maraming manyak sa paligid ko ngayon. Teka? Anong oras na ba? At nagugutom na ko..

12:50 pm

Luminga Linga ako at nakita kong walang bakas ni Joyce. Kaya tinawagan ko siya. Asan na ba kasi siya? Malapit na magtime..


"Hello kailey?" Sabi niya mula sa Kabilang Linya.

"Nasaan ka Joyce? Busy ka pa din ba?" 

"Ahm, hindi na ko makakapunta sa greenfield, kasi nag lunch out kami ni Nicholai eh, on the way palang kami sa school.. Kita na lang tayo mamaya. Okay?" 

Kaya naman pala, nag lunch na pala sila.. Sayang naman yung surprise ko. Sigh..

"Okay, ingat na lang kayo.." 


Binaba ko na yung cellphone ko at tiningnan yung mga pagkain, buti na lang at hindi ko pala binuksan kanina yung picnic basket ko.. Kinuha ko yung clubhouse sandwich at kinain yun nagugutom na ko eh, yung iba ipapamigay ko na lang sa labas sa mga Bata, kaya nag madali akong kumain, baka kasi ma spoiled na yun kapag mamaya pang hapon ko Ibigay. Hindi na naman din kakain si Joyce dahil nag lunch out na sila..

"Marami pong Salamat magandang ate!" Bati sakin ng mga Bata ng inabot ko sa kanila yung laman ng basket, nag Tira ako ng isang clubhouse sakin, kasi parang kulang yung kinain ko kanina. Kaya Hawak Hawak ko yung clubhouse pagka pasok ko ng basket sa car ko. Iniwan ko  yung basket bago pumunta sa class, kaya medyo late na ko.

Habang naglalakad ako biglang nag vibrate yung phone ko may activity daw sa Auditorium, kaya andun sila Sam, pinapunta daw kami ng prof namin dun, may debate daw. Literature kasi subject namin ng ganitong oras.

"Wow! Clubhouse sandwich?  San galing yan? Sa manliligaw mo?" Pambungad na tanong ni Sam sakin, kung di ko lang alam na favorite niya din ito, hindi ko iaabot sa kanya ito. "Sayo na lang, hindi ko pa yan nabubuksan, alam kong favorite mo yan. Tingnan mo yung mga mata mo kumikislap. Hahaha!" Inirapan niya ko pero nag thank you naman at kinuha yung sandwich sakin. Kwinento ko din sa kanya yung surprise ko Kay Joyce kanina na na uwi sa wala. 

"Talaga? Sayang naman.. Pero diba may gusto siya Kay Nicholai sabi mo? Akala ko ikaw yung gusto ni Andrea.. pero minsan naman parang malambing din siya sayo.. Saka nakita ko siya Nagseselos satin dati eh." Yumuko ako, "wag mong bigyan ng kung anong kahulugan yung nakita mo dati, sana nga ganun yun, pero siya na din kasi nagsabi na may gusto siya Kay Nicholai. Kaya nga todo yung effort ko sa kanya, dahil sa umpisa pa lang panalo na si Nicholai.." tumahimik na lang siya na parang naaawa. Nagsimula na rin yung program.

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon