Chapter 58: She Is..

2.5K 71 12
                                    



SHE IS..


*******


ANDREA



"She is the one eh, She is the one.."



Malungkot kong sabi kila Lacey, pinaliwanag na kasi ni Sam yung nangyari samin ni kailey. Willing naman sila tumulong sakin. Pwera sa isa , Which is no other than, Nikka. Pag iisipan niya pa daw muna at kung tutulong man siya, SLIGHT lang. Hindi niya din gusto yung mga narinig niyang reason ko kanina. Heto nga' t parang gusto akong Ipasalvage sa mga tingin niya.



Hindi ko siya masisi, she's been inlove to kailey, for more than 2 years. And suddenly dumating ako.




"Gusto mo ng Isda? Andrea?" Nakaka lokong tanong sakin ni Adrijan. Napa tingin kaming lahat sa kanya.




"Anong isda?" Sagot ko sakanya.




"Hoy! Anong sinasabi mo dyan? " naiinis na sabi ng girlfriend niyang si Lacey sakanya. "Wait babe chill. Sa commercial kasi yun eh. Hahaha yung pagkakasabi kasi ni Andrea gayang Gaya, manuod nga kayo ng tv!" Natatawang sabi niya pa. And at that moment, they burst out laughing.




Tumingin lang ako sa kanila. Anong commercial?



Kasi ang pagkaka alam ko natutunan ko yun Kay manang Dahil, wala nga sila dad sa kanya ako nagkkwento, Basta about Kay kailey. Saka alam na din sa buong mansion na naging kami ni kailey. Siya din may idea ng date namin dati. Kaso yung commercial na sinasabi ni Adrijan? Ano yun?




Yung she is the one thingy eh narinig ko lang Kay manang, habang nag uusap kami. She is the one daw si kailey kaya I agree to her. Saka yung pagkaka pronunce niya nga eh parang familiar kung saan ko narinig. Idk. Nanunuod naman ako ng tv.



Baka hindi ko lang napansin sa sobrang pag iisip ko Kay kailey, kasi kahit nanunuod naman ako ng tv lumilipad pa din yung isip ko. Baka nga dun.




"Hashtag devastated! " maarteng sabi ni Terrance. Habang nakahawak pa sa chest niya at Papuans punas pa ng mata. Si Terrance talaga pinaka Maarte samin, tama sila bakit kaya hindi siya nag artista? Pasok naman siya sa qualification.

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon