Chapter 43: Fighting For L-O-V -E

2.3K 69 0
                                    

Ngayong chapter ang bida yung mga taong Lumalaban dyan para sa pag ibig nila sa  taong mahal nila. Kaway kaway kayo! :) Goodluck sa inyo! Sana at the end of the the Day, Ma- hashtag niyo ang salitang #lovewins  :) 



FIGHTING FOR L-O-V-E



*****


ANDREA


"Princess! Lunch na. Hindi ka pa din ba baba?" Sabi ni dad skin, hindi pa din kasi ako kumain simula kagabi. Nandito lang ako sa kwarto ko. Hindi ako pumasok sa school.



Inulit ni Dad yung pagkatok sa door ko. "Princess? May problema ba?"



Hindi pa rin ako Sumagot, humiga na lang ako sa Kama ko at kinuha yung binigay sakin ni kailey na malaking bear. Katabi ko kasi yun sa Kama ko lagi pag matutulog, iniimagine ko na siya yung ka yakap ko.



Pinilit kong ipikit yung mga mata ko na namamaga kakaiyak magdamag. Nag iisip ako kung ano bang dapat kong gawin? Ngayon na nalaman ko na ipinaglaban niya pala ako sa pamilya niya. Gusto kong ipaglalaban din siya kahit sabi niya na sinukuan niya na ko.



Napadilat ako ng biglang bumukas yung door na ni locked ko, at ka sunod nun ay pumasok si Dad at mom na mababakas sa mukha ang pag aalala.



Binaba ni mom yung tray na laman ay mga pagkain sa lamp desk ko, at tumabi siya sakin. Si dad naman Inaayos yung buhok ko.



"Tell me princess, bakit namamaga yang magaganda mong mata, bakit hindi ka din lumalabas sa room mo? Ano bang nangyari?" Di pa ko nakaka sagot ng nag salita naman si mom, "nung nakaraan simula ng pag ka uwi mo ng field trip niyo, malungkot ka na, napansin namin yun kaso hindi na namin tinanong baka pagod ka lang, pero habang tumatagal, parang mas lumalala yung pag lungkot mo.. Sabihin mo samin ng dad mo kung may problema ka makikinig kami.."



Niyakap ako ni mom, kaya mahal na mahal ko sila eh, kahit lagi silang busy sa business, hindi nila nakakalimutan bumawi sakin ng oras.. 



"Andrea? " napa tingin ako Kay dad, "bakit hindi na pala bumalik dito si kailey? Asan na siya? Namimiss na namin siya ng mama mo." 


Kailey.. 


Hinahanap nila si kailey.. Paano ko ba sasabihin na malungkot ako ngayon dahil Kay kailey? Maintindihan pa din ba nila kaya ako?


"Oo nga Andrea, nasaan na siya? Aba kung kasing edadan mo ko, nako mainlove ako sa batang yun, kahit simple lang napakaganda pa din. Wag mong sabihin sa dad mo ha? Secret lang natin yun.." Natawa ako ng mahina, paano magiging secret? Eh rinig na rinig ni dad. Tiningnan ko si dad akala ko Maiinis siya, pero Mali ako, dahil nakangiti siya sakin.

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon