Chapter 57:Tales Of Lies

2.1K 61 9
                                    


TALES OF LIES


********


KAILEY


Nandito ako ngayon sa greenfield. Gusto ko kasing mapag isa. Iniisip ko din kung paano nga ba ako nakakasiguro na si shin talaga ang nagbigay ng white rose. Kaya binalikan ko yung sinabi niya sakin nung gabi ng Sabado.



Flashback



After namin gumawa ni Andrea ng project. Dumiretso ako sa coffee shop sa Eastwood dahil may importante daw sasabihin si shin.



Pagka dating ko naman sa place na sinabi niya agad ko siyang nakita. Pagkaupo ko sa harapan niya, halos hindi niya yata napansin yung presensya ko. Parang ang dami niyang iniisip.



"Shin?" Tawag ko sa atensyon niya. "Oh. Munchkin andyan ka na pala. Sorry. "  Ngumiti na lang ako sa kanya.




"Lets order first." Maikling sabi niya sakin, at nag order na kami. 




"So? Shin anong sasabihin mo sakin?" Nandito naman kasi ako talaga para sa sasabihin niya. Medyo na cucurios din kasi ako eh. 




"A-ah eh.. Ahm. Ano kasi kailey."  Nauutal niyang sabi sakin. Nakaka tense yata yung sasabihin niya. Kinakabahan din ako, dahil baka sabihin niya na naman sakin kung pwede bang maging kami na talaga. Kasi as of now naguguluhan na ako, si Andrea kasi eh.



"Ano ba yun munchkin?" Ngiti kong sabi sakanya, to ease some uneasiness na nararamdaman niya. 




"Kailey ako. Ako yung.." Biglang dumating yung order samin. Kaya natigilan siya. Unti unting nilagay sa table namin yung mga I order namin. Pagka tapos ay Ngumiti samin yung waiter. 



"So shin? Ano na yung sasabihin mo?" 




"Ah." Inaayos niya muna yung pagkaka upo niya. Saka nagsalita muli. "Ako yung.." 




"Ano ba ayusin mo yung trabaho mo!" Sabi ng isa pang customer sa Kabilang table, nalaglag kasi yung cake sa mukha niya. Hindi ko makita yung mukha ng guy eh pero parang bago pa lang siyang staff kaya ganun. Imagine matapunan ka sa mukha ng cake. Hahahaha Mukha pa naman Mataray yung girl.

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon