Chapter 25: I Would Rather Say The Awkward Words Than Lose You

3K 95 0
                                    

Thank you sa mga nagbabasa nito. :))) Salamat po. Lalong lalo sayo.  Oo ikaw na nagbabasa. :) 



I WOULD RATHER SAY THE AWKWARD WORDS THAN LOSE YOU


****


KAILEY


"Kailey? Inom ka muna ng water, kanina ka pa nagddrive. " Sabay abot niya sakin ng bottle. Inabot ko naman ito, kasalukuyan naka red light pa. Kaya uminom muna ako.


Inabot ko na ulit sa kanya yung bottled water, kinuha niya naman yun, at uminom din dun. Hala, indirect kiss yun ha? 


Tiningnan ko lang siya, para kasing ang sweet niya ngaung araw eh. Ano kayang nakain niya na galing sa ref ko? Bibili ako ulit nun. Para ganyan lang siya ka sweet sakin lagi. We're actually looks like a couple, hindi lang sa damit namin na color lang pinagkaiba, blue sa kanya, mine is red. Tapos kanina naman sa condo ko, we're cuddle like a couple too. Ano bang nakain niya??


"Uhm, babe? Kanina pa naka green light. Ano bang iniisip mo at nakatulala ka sakin?" Babe? Tinawag niya ko na babe?


"Tama ba rinig ko na tinawag mo kong babe?" Baka kasi nagha hallucination lang ako. Mahirap na. Biglang bumusina na yung nasa likod namin na truck kaya sumakit yung tenga ko. Pinaandar ko na yung sasakyan namin, at nagpatuloy nang magddrive.


Hindi na siya Sumagot at Hinawakan yung kamay ko. Heto talaga, ang lakas mangtease. Akala ko pa naman totoo. Asa naman ako. Tsk.tsk.


"Oh babe bakit ganyan itsura mo? Ayaw mo ba sa enchanted?" Sabi niya sakin, pagkabili ng tickets, Ayan na naman siya sa babe,babe na yan eh. Nakakaasa kaya! Pumasok na kami sa loob at take note, magkahawak kami ng kamay. Umiling iling ako..


Positive,  may nakain siya. Tatanong ko nga mamaya mga kinain niya kanina, bibili ako lahat ng stocks na ganun ulit.


"Hindi mo gusto dito?" Bumitaw siya sakin. "Ha?" Nagtatakang tanong ko, hindi ko naman Sinagot yung tanong niya ha? Masaya nga ako kasi kasama ko siya dito.


"Umiling ka kasi, hindi mo ba gusto dito?" Nag pout siya . Naka tanggap din ako ng death glare mula Sa kanya.


"Ah, hindi, may iniisip lang po ako. Saka gusto ko dito kasi kasama kita." I sweetly smiled to her. 


"Talaga babe?" Babe na naman. Oh please. Sana totoo na lang yan.


"Tara na nga babe. Sakay na tayo sa mga rides." Hinawakan ko na ulit yung mga kamay niya. At pumunta sa Mga rides, pumila na kami. 


siguro susulitin ko na lang Itong araw na ito kasama siya. Habang babe niya pa ko. 


"Grabe nakaka Hilo naman dun." Reklamo niya sakin, pagkakababa namin sa Disk o Magic. Oo nga nakakahilo dun saka nakakalula. Binilhan ko muna siya ng bottled water. 

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon