Chapter 55: Lies In the Midst of Love

2K 68 3
                                    



LIES IN THE MIDST OF LOVE



*******



"What?!"



She's must be joking. 



Kilala ko na kung sino yung nagbigay sakin ng white rose nagpakilala na siya kahapon. Bakit ba nagsi sinungaling sakin si Andrea ngayon? 




Sabi ko na nga ba, niloloko niya na lang ako. Sinungaling talaga!




Dapat pala hindi ako naniwala sa pinagsasabi niya kanina, sigurado akong gusto niya ako ulit paikutin at paasahin. Pagka tapos, itatapon ulit ng parang basahan..




"Andrea? Pwede ba wag mo kong gawing tanga, kilala ko na kung sino yung nagbigay sakin ng rose na yun. Kaya wag ka ng mag sabi ng kung ano ano pa dyan.." Naiinis kong sabi sakanya.




Nagtataka siyang tumingin sakin, "totoo ang sinasabi ko. Ako talaga nagpadala sayo nun?" Seryoso niyang sabi sakin.




"Pwede ba Andrea?  kilala ko na kung sino siya" lumayo ako sa kanya ng konti."Akala ko this time, totoo na yung sinasabi mo. Hindi pala... Nagsi simula ka na naman sa mga kasinungalinan mo. "




"Wait lang kailey. Lahat ng sinabi ko sayo kanina totoo hanggang ngayon ako talaga yung nagbibigay sayo ng white rose." 




Inabot niya yung kamay ko, "believe me kailey. Will you?  Just Please? Please?" 




Kung nauna siyang nagsabi sa taong nagbigay nun, baka paniwalaan ko pa yung kasinungalingan niya. Akala ko okay Itong gabi na ito. Hindi pala.. 




Hindi pa rin siya nag babago manloloko pa din..



Tumitigtig ako sa kanya, "si shin." 



 "Si shin, ang nagpapadala sakin ng mga bagay na yun. Umamin na siya, kahapon, kaya wag mo na kong pagmumukhaing tanga ulit. Tama na pwede ba?!"pa sigaw kong sabi sakanya, grabe na kasi siya eh.  Pati ba naman yung bagay na yun? Gagawan niya pa ng kasinungalingan?

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon