Chapter 46: I Love You? Munchkin?

2.2K 61 1
                                    



I LOVE YOU? MUNCHKIN?



*****


KAILEY



"Oh? Talaga bang aaraw arawin niyang magbigay ng white rose sakin?" Kinuha ko yung rose at hindi ko maiwasang malanghap yung mabangong scent ng Rose. 



Ngumiti ako sa white rose na yun. "Kailan kaya magpapakita yung taong yun?" 



Kinuha ko din yun pink na roses, Kay Jared yata galing ito. Siya kasi yung nagbigay ng ganung color ng roses sakin saka yung balot pareho. Kagaya ng mysteryosong Tao na nagbibigay sakin ng white rose at ng mga sweet messages, halos araw araw din Itong pink roses na to.




Binilang ko, one, two, three.. 




Three pink roses. 



Dahil sa mga taong nasa likod ng mga roses na ito. Na uplift yung pakiramdam ko, idagdag mo pa yung Red roses din ni shin. 



naglalakad ako sa hallway dala yung letter sa white rose. Yun yung kinuha ko talaga, yun lang yung hindi nakaka abalang bit bitin. Mamaya ko na lang kukunin yung mga roses ko sa locker. Natatawa nga ako dahil sa white rose na yun ang bangong bukas an ng locker ko. Instant air freshener hahaha.




Napahinto ako ng  makita ko si Andrea, naka tingin siya sa way ko, next sa Hawak Hawak kong letter,  pero nung nakita niyang naka tingin ako sa kanya, bigla siyang nag baba ng ulo.  




Nag isip ako, bakit kaya hindi na sila masyadong magkasama ni Nicholai? Bakit lagi lang siya mag isa? Mga ilang araw ko na din siyang nakita ng mag isa lang. Madalang lang din siya Sumama sa kaibigan namin.




Bigla kong naalala yung compilation ng activities namin sa Palawan kailangan by partner ipapasa. Wala pa kami nagagawa. Next na yun.  Ipapasa. 



Hanggang ngayon kasi hindi ko alam kung paano siya ka kausapin ng hindi Maalala yung nangyari samin. Parang ang hirap kasi. Lalo't may feelings pa ko sa kanya.




Nagulat ako ng bigla siya tumayo sa kinakaupuan niya, at naglakad patungo sakin. Yumuko na lang ako at binuksan yung letter na Hawak ko, ayokong mag assume baka dadaan lang siya sa hallway kaya, gumilid din ako ng konti.

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon