Chapter 8: Over night part 2 and 3

3.5K 89 2
                                    


OVERNIGHT PART 2 and 3

***

Kailey

Maaga ako gumising para makapag ayos bago bumaba, naligo na rin ako. Si Sam katabi ko sa Kama, si Nikka naman at Lacey sa Kabilang kwarto, same as jannika and Joyce. Si Adrijan Hiwalay, Alangan naman tumabi siya kay Terrance hahaha di yun papayag dahil nasa pamamahay niya kami.

 I think gising na si Adrijan sa baba, siya kasi nagluluto samin kapag nag overnight kami, lalo na pag nasa mood siya, pero pag wala yung maids nagluluto. Pa baba ako ng hagdan ng maamoy ko yung niluluto, wow STEAK.

"Good morning kailey! Here, mag coffee ka muna." Sabi niya Sabay abot ng mug. Andito na rin pala ang mag best friend na sila jannika at Joyce, nag cocoffee. "No, hindi ako nag cocoffee masyado Adrijan diba? Kaya I go for Milk. " sabi ko dito. " ay sorry oo nga pala, acidic ka. Sige gawa ka na jan.".

"Acidic ka pala kailey? Diba yung alcohol masama din yun sayo?" Sabi ni Joyce habang Iniinom yung coffee niya. Concern ha? Hindi nagtatanong lang yan kailey wag feelingera sabi ng isip ko. " Ahm yes kaya di ako pwede ng uminom ng madami, masyadong masakit yun.." Napalitan ng worry expression yung mukha niya. " pero okay ka naman ba? " Sabay lapit niya sakin. Alert! alert! Ayoko ng ganito baka mapa amin ako bigla sa kanya. Umiwas ako ng konti. " okay naman, mawawala na ito, after maka inom ng milk, so excuse me muna. "kumuha ako ng isang pandesal bago umalis, dumiretso ako sa veranda. 

" ang Sarap talaga ng hangin dito, maaliwalas, saka parang peaceful." Nagulat ako ng may biglang yumakap sakin, " good morning! " umikot ako at tiningnan si Nikka pala ito, naka ayos na siya at bagong ligo. " good morning too Nikka. " Sabay akap din sa kanya. Nakita ko sa view ko na Papunta dapat si Joyce dito pero umupo na lang siya sa sofa, sumunod naman si jannika. Imposible naman yun mag selos.

" can i stay here for one more minutes?  Please" oo nga pala naka akap pa sakin si Nikka. " sure, kung Iyan gusto mo. Baby girl hahaha." Nag pout siya, hilig mag pout nito, ang cute/ ganda pala. " eh, kasi naman dalaga na kaya ako. " saka sumiksik pa sakin ng pagkaka akap. Natawa na lang ako. 

"Oh ang aga naman na landian yan? " napabitaw kami ni Nikka at tiningnan kung sino yun. Si Lacey pala, nandun na rin pala ang iba pa namin kaibigan sa sala, nag cocoffee sila. Umalis na kami sa veranda at umupo na din sa sala.

"Babe bakit naman ganun? Nag usap na tayo kagabi diba? Pinagod mo na nga ako tapos, ganyan gagawin mo sakin?" Nagtaka kaming napa tingin kay Sam, hala anong pinagsasabi nito? Sunod na tiningnan namin si Terrance. 

" kayo na? " nagtatakang tanong ni Lacey. Sumagot si Sam at umupo sa tabi ko, "oo kami na ni babe kailey diba? Pinagod mo kagabi? Aminin mo. Panindigan mo ko ui." Muntikan ko ng ma bagsak yung mug ko sa pag tayo ng gulat. " anong pinagsasabi mo? Baliw ka ba ."

Tumawa lang siya ng malakas pati yung mga kaibigan namin. " joke lang ito naman, high blood agad? Ang sweet niyo kasi ni Nikka kanina kaya biniro kita. " . Naka hinga ako ng maluwag akala ko may ginawa pa kong iba kagabi eh at kay Sam pa ha? Naku. " sa susunod kasi ayusin mo ha?" TSS. 

" Nikka oh! Inaway ako ng love of ---" tinakpan ni Nikka yung bibig ni Sam. " love of?" Sabi ko kay Nikka. " wala yun kailey nag jojoke lang ito si Sam. May Hangover kasi eh, di pa siya nakaka over." Natawa naman kami, at napag desisyunan namin na mamovie marathon buong araw. Sounds good.

Andrea

Na gulat ako nung malaman na acidic pala si kailey, pero ang cute na nagmimilk lang siya haha. Pagka alis niya kanina, sinundan ko siya pagka tapos ko ubusin yung coffee ko. Kaso naunahan ako ni Nikka, naka akap pa siya, Nagulat ako kaya umupo na lang ako sa sofa, naiinis na naman ako. Pero yung bumirit si Sam ng joke niya, hindi talaga ako natawa pero baka mag tanong si best kaya naki Sali na din ako, ang panget ng sinabi niya nakaka sira ng araw pero naka hinga ako ng maluwag nung sinabi niyang biro lang talaga. Di ko alam kung bakit ko ito nararamdaman.

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon