Chapter 23: I choose you and this Love

2.8K 77 0
                                    


I CHOOSE YOU AND THIS LOVE

****

Kailey


Pagka uwi ko ng bahay hindi na ko kumain, wala akong gana, kaya nagpalit lang ako ng Pantulog, kumuha din ako ng jacket, malamig kasi masyado. May bagyo.


Umupo ako sa sofa sa may sala, Nag isip ako ng Mabuti, kung anong gagawin ko sa sitwasyon ko ngayon. Mahigit dalawang buwan na din nung nalaman ni Joyce yung nararamdaman ko para sa kanya.. Dalawa lang naman ang Choices ko..

Una ang ipagpatuloy ang panliligaw sa kanya kahit wala naman akong makitang pag Asa. Gagawin ko pa din, hanggang sa kusa na kong mapagod.

Pangalawa ang I let go na siya dahil alam kong sa bandang huli si Nicholai pa din ang pipiliin niya at kahit kailan hindi magiging ako. Kahit anong gawin ko.. Pang gulo lang kasi ako sa kanila eh. Baka kasi kaya hindi niya pinipili si Nicholai, naaawa siya sakin..


'Bat di mo pag bigyan ang pag ibig ko?'  Tapat naman ang puso ko sayo..

Bigyan sana ako kahit konting pagkakataon, lahat ay gagawin para sayo..

Nakikiusap sa konting pagkakataon mahalin mo..'  Yan ang kinakanta ko sa isip ko habang nakatutulala sa kisame.. Isn't it ironic?


Speaking of her? Mag alas nuwebe na, bat hindi pa din siya nagttxt? Naka uwi na kaya siya? So I picked my phone from the small table , and dial her number..

Out of coverage area daw? Na saan na ba kasi siya? Kinakabahan na ko, bakit kasi nag taxi pa siya?? 

Kaya kinuha ko yung car key ko at wallet. Bahala na kung naka pajama lang ako. Naka jacket naman ako eh.. Hindi ko pa rin, tinitigilan siyang tawagan.. Nag ring na kaso nireject. 

Kaya naman minabuti ko ng lumabas ng unit ko, nag aalala na kasi ako eh. Pagpihit ko ng door knob, nag ring yung phone ko. Kasabay ng unti unti kong pag bukas ng pintuan ko.. Sinagot ko yung tawag.

"Joyce asan ka na? Naka uwi ka na ba?"

Pagka bukas ko ng pinto, "Joyce?" 

Hawak ko pa din yung phone ko sa tenga ko, siya din ganun, naka cellphone din..

Inend niya na yung call. Binaba ko na din yung phone ko..


Andrea


Kita ko sa mukha niya yung pagka gulat at pag aalala, San ba siya pupunta? At aalis siya ng naka pajama? Seriously?

"Uhmm, pasok ka na muna sa loob." Sabi niya sakin, matapos maka get over sa pagka bigla. "Thanks." At pumasok na ko.


Umupo ako sa sofa niya, at sumunod siya sakin, lumuhod siya sa harapan ko. Hinawakan niya din yung dalawa kong pisngi..

"Joyce, alam mo bang nag alala ako sayo? Akala ko kung napano ka na?" Nakikita ko sa mata niya na nag alala pa din siya sakin at yung boses niya parang paiyak..

"Sorry, kailey, hindi ko napansin na tumatawag ka, wala din kasing signal sa elevator.. Sorry.. Wala naman nang yari sakin, hindi lang ako maka uwi ng bahay dahil, baha na lahat sa dinadaanan namin ng taxi, kaya napag desisyunan ko na dito na lang muna, okay lang ba?" Hinawakan ko din yung kamay niya na nakalagay sa pisngi ko..

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon