Chapter 47: Chances

2.1K 64 2
                                    




CHANCES 




******


JARED



"Ang sakit!"



Sobra talaga akong Nasaktan nang sinabi nila sakin na sila na. I mean, parang ang bilis naman yata? Alam kong may kasabihan na kapag gusto mo yung taong nanliligaw sayo, sagutin mo na. Kasi relasyon  ang pinapatagal hindi yung panliligaw lalo na't ma uuwi din naman din yun sa ganun.




Kaso sila, alam kong mga ilang linggo pa lang nagkakamabutihan tapos ganyan na agad? Naka move on na ba siya Kay Andrea at si shin na ang gusto niya?




Eh kami? Paano kami? Nagttxt pa din kami, pero pag dating sa school kaibigan lang ang Turing niya. Nagpapadala pa din ako ng pink roses sa kanya. Tapos nag i-I love you naman siya sakin sa txt.




Ano ba talaga?




Alam kong nung isa araw pa niya sinabi na sila na, talagang umiyak ako nun buong araw tapos. Hindi ko nga siya tinext eh. Naka patay lang phone ko. Simula nung araw na yun...




Haay..




Habang nagddrive ako Papunta sa school ngayon. Dumaan muna ako sa flower shop. Kailangan ko siyang makausap ng masinsinan. 





Ginilid ko yung car ko, at pumasok na sa flower shop. Nag research pa ko sa net kung saan may magandang mag ayos ng flowers. Kaya ayun, dito ako pumunta. Hindi ito yung binibilhan ko ng pink na roses dati.




 Pumili na ko ng mga flowers at pina ayos sa saleslady.




Habang tinitignan ko yung pag aayos niya sa flowers, naalala ko na naman si kailey. Sila na ni witch. 




Ano bang nakita niya dun? Bakit niya ko iniwan ng luhaan?

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon