Chapter 51: Second Chance?

2.3K 78 16
                                    




SECOND CHANCE ?



*****


JARED



"Good morning Sir. " kinamayan ko yung ka partner ni dad sa business, ako kasi yung pina-attend niya. Di na nga sana ako pupunta kaso, business is still business. Hindi pwedeng isama ang personal, pero kung may advantage naman. I think pwede na rin.



Ang advantage ko lang eh, gusto ko maka limot sa sakit ng nangyari sakin nung nakaraang araw. So, I guess, kailangan kong idate na yung girl na pinapakilala sakin ng business partner namin.



Ilang beses na ko pumupunta pero, hindi naman pumupunta yung girl, kailangan ko pa naman siyang makilala dahil magiging tagapagmana siya ng company, definitely kami ang maging partner para sa pagpapatuloy ng legacy ng business ng mga dad namin.



"Good morning din iho."



"I think this proposal, will create more opportunity for us to expand." Sabi niya sakin ng nakangiti, kita ko sa mukha niya na nagustuhan niya yung proposal ko para sa pag expand namin, kailangan namin yun para lalong makilala din yung brand namin. 



"Thank you sir. " Pinapirma ko siya sa contract na ginawa ko, pagpapatunay na approve sa kanya yung proposal ko, na irereport ko sa board of directors by next week.



"By the way Mr. Aquino, sorry sa di pag punta ng daughter ko, medyo busy kasi siya eh. Alam mo naman as a 3rd year college students, medyo sobrang busy na talaga." Ngumiti lang ako sa kanya. Naiintindihan ko kasi, 3rd year na din ako. At hindi na din talaga biro yung pinapagaw a ng mga prof namin, hindi pa nga kami tapos ni Nicholai sa project na ipapasa. Buti Inextend ng prof at the end of the month pa ipapasa.



"Oo nga sir, mahirap talaga. After nga po nitong meeting naten, papasok na ko ng school." 



"Okay sige, iho. Baka malate ka na niyan.  Madami ng salamat sa meeting na ito, atleast SIGURADO na talaga na medyo safe ang susunod sa yapak ng dad mo. I'm glad, masipag kang Bata, plus gwapo pa. Sa tingin ko, isang kagaya mo ang kailangan ng anak ko."



Ngumiti na lang ako.




Kung si kailey ang anak niyo. Aba, Payag na payag ako. Pero alam kong napakaimposibleng mangyari nun, ika nga nila Suntok sa buwan. 

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon