Chapter 24: Action Speaks Louder Than Words

2.8K 85 6
                                    

Maraming Salamat sa mga silent readers at sa mga taong nag vovotes, especially Kay charm2486. :))) maraming Salamat po!!


ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS


****

Andrea


Naalimpungatan ako,  tiningnan ko yung paligid ko, ba't.. Bakit wala sa tabi ko si kailey? Tiningnan ko yung sahig  baka nalaglag lang siya, pero wala. 


Wala.. 


Pinatong ko yung katawan ko sa headboard ng Kama at inabot yung phone ko. 



5am, umaga na pala..


Kaya tumayo na ko at niligpit yung Kama, nag ayos na din ako ng sarili bago lumabas, may maliit kasi na si cr sa kwarto si kailey. 


Speaking of her? Nasaan ba siya?


Una kong sinilip yung kusina, nagbaba sakali ako na nandun siya, pero wala.. Kaya Sinunod kong puntahan yung sala...


At ayun nandun nga yung taong mahal ko mahimbing na natutulog.. 


Na lungkot ako bigla, hindi pala siya tumabi talaga sakin. Umupo ako sa gilid niya at pinag Masdan siya.


Tandang tanda ko pa yung kalokohan na ginawa niya sakin kagabi, Itong loko na ito, akala ko kung anong gagawin sakin kagabi. Nangiti ako ng konti.


Pero ang hindi ko, pinaka makalimutan yung sinabi niya na nagpasaya sa puso ko, yung sinabi niya na..


"I choose YOU, wala sa choices na pagpipilian ko kanina, kundi ikaw at Itong nararamdaman ko ang pinipili ko, whatever it takes, hindi kita susukuan ng basta basta Lang, but I promise you na papakawalan din kita sa oras na si Nicholai ang piliin mo. I love you. Andrea."


Akala niya ata Tulog na ko, pero nagtutulugan ako dahil, hinihintay ko kung anong gagawin niya, kung sakali sakin. Kung kagaya ba sa mga drama na nanakawan mo ng halik yung taong mahal mo habang Tulog.


But siya iba.. Every word she said to me, feels like a fairy tale. Yung kakaibang feeling na parang gusto mong halikan siya pagka tapos niyang sabihin yun? That feeling, urgh kinikilig pa din ako.


Narinig kong lumabas siya after nun, pero minabuti ko na din matulog, hindi ko na siya na antay. Akala ko pa naman tatabi siya ulit, dito pala siya natulog.


Hinaplos ko yung mukha niya, trinace ko yung mahahaba niyang pilikmata, yung nakapikit niyang mga mata na kapag nakikita ko, lagi akong na aamaze, ang ganda kasi ng mata niya parang laging nangungusap sayo.. Yung Ilong niya, pa baba sa mga lips niya..


Hindi ko napigilan yung sarili ko at nilapit ko yung mukha ko sa kanya, At ginawadan siya ng kiss. Inalis ko din agad yung lips ko sakanya baka magising ko siya.

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon