Chapter 40: Just Another Woman In love

2.6K 72 1
                                    



JUST ANOTHER WOMAN IN LOVE


*****


SAM


"Umalis ka na dito. Kami na bahala dito. At pwede ba? Ayusin mo yang sarili mo!" Yan yung naririnig sa gilid ng room ni Kenneth.  Inalis na nila si Kenneth sa room. 


Hindi ba nila alam sa ginagawa nilang yun? Lalayo yung loob sa kanila ni kailey? Mas matanda na sila kaysa samin, diba dapat sila ang mas umintindi Kay kailey?


 Naawa na ko Kay kailey. Halos hindi pa nga siya nakaka fully recover sa pagka wala ni Kenneth tapos, problema niya naman ngayon ang pamilya niya. Umalis na yung Lolo niya at Lola kanina ) pa, pero si kailey gustong pang mag stay dito sa hospital kaso hindi pumayag yung magulang niya..


"Tara na best. Uwi na lang tayo.. Intindihin mo na lang muna sila sa ngayon." 


Nakinig naman siya sakin at umalis na kami sa hospital at pumara ng taxi, "Dun muna ako sa condo mo ha? Madaling araw palang kasi saka inaantok na ko.. Okay lang ba?" 


Tumango siya sakin at isinandal ang ulo sa balikat ko. 


Tiningnan ko yung mukha niya, puro kalungkutan ang mababakas sa kanya. Pinili ko na lang na hindi matulog sa biyahe at baka sa iba pa kami dalhin ng taxi, madaling araw pa naman.



"Kailey andito na tayo.. Bangon na.."Nakalipas ang kalahating oras naka punta din kami sa condo ni kailey, kaya minabuti kong gisingin na siya. Inabot ko na din sa driver yung fare namin. Luminga linga siya at akmang Kukuha ng pera sa wallet niya. "No, nakabayad na ko. Tara na labas na tayo." 


"Ang sakit ng ulo ko Sam.." Mahina niyang sabi sakin pagka pasok namin sa elevator. Kaya kinuha ko yung gamit niya at Inakap siya, sinandal ko na lang yung ulo niya sakin ulit.


Nasa ganun kaming posisyon ng may pumasok din na isang girl, I think kasing edadan lang namin. "Ang sweet naman.."  Sabi niya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya. Inaantok na kasi ako talaga eh.


"Bagay kayo." Huling sabi ng girl samin, bago kami maka labas ng elevator. Napa tingin sakin si kailey. "Bagay daw tayo Sam" Ngumiti siya sakin. Nginitian ko na lang siya, inaantok na kasi talaga ako. Kailangan ko na ng Kama. 


"Sa wakas" malakas kong sabi, matapos humiga sa Kama, naghilamos lang kami ni kailey at nagpalit ng pajamas. Sa tabi niya lang ako matutulog kasi wala naman spare bedroom ang unit niya. 


"Sam" mahina niyang tawag sakin. 


"Hmm. Ano yun kailey?" Lumapit ako sa kanya ng konti. 


"Pwedeng pa akap? " natawa ako sa kanya at Dali daling Inakap siya, gustong gusto ko siyang niyayakap dahil mabango siya. 

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon