Chapter 34: How Do You Know When It's Over?

2.1K 60 3
                                    



HOW DO YOU KNOW WHEN IT'S OVER?



****


ANDREA


Tok tok 


"Best si Andrea ito, pwede bang dyan na muna ako matulog?" Bumukas yung pintuan.


"Tara pasok ka best. " pumasok na ko sa kwarto nila na 3 rooms away, mula sa room namin ni kailey.


"Where is Nikka? Diba magkaroom kayo?" Pambungad na tanong ko sa kanya, pagka upo ko sa Kama niya. "Wala siya nasa Kabilang room, nagpaalam sakin kanina na dun siya matutulog kila Lacey at Sam, nagpapakwento kasi yung dalawa about samin, kaya ayun pinayagan ko na.."


Tumahimik na yung paligid namin, minabuti ko na lang din manahimik. Kaso bigla siyang nag salita, "best yung about sa inyo ni kailey?? Uhm.. What happened?" Tumingin ako sa kanya, umupo siya sa tabi ko. "Break na kami.. " pinilit kong maging maayos yung tono ng boses ko. Ayokong ipahalata sa kanya na nasasaktan ako.


"Andrea? Bakit? Akala ko ba mahal mo siya? Bat ka nakipag break sa kanya?" Hinawakan niya yung kamay ko. Hindi ko pwedeng sabihin sakanya, yung pinaka dahilan dahil sinabihan din ako ni Nicholai na hindi ko pwedeng sabihin yung mga pinag usapan at pinagkasunduan namin, lalong magiging magulo ang lahat.



Sa iniisip kong yung, parang sarili ko lang talaga ang kakampi ko ngayon, wala ng iba. Isang maling galaw ko lang, magugulo na ang lahat. Kaya yumuko ako. Hindi ko na din na kayanan na hindi umiyak. Bakit ba kasi naki kilala ko pa si kuya nick ulit? Okay naman kami ni kailey eh. Bakit ba kasi? Ano bang Mali ko? Nag mahal lang naman ako ha? 


"Best Tahan na, ano ba kasing problema? Alam mo bang kanina pagka tapos ng orientation natin, si kailey din umiyak, Kasi bigla kang Sumama Kay Nicholai. Ang tagal kaya namin siya pinatahan ni Sam, iyak kasi ng iyak.." Pinunasan ni best yung mga luha ko pero, kusa pa din itong tumutulo, knowing na kanina pa pala ako iniiyakan ni kailey. 



"Nag away ba kayo ni kailey? Best? Saka bakit si Nicholai kasama mo simula kanina?" Umiling muna ako sa kanya bago nag salita, "hindi naman kami nag away ni kailey.." Nagiisip ako ng pwedeng  dugtong dahil hindi ko talaga pwedeng ipaalam sa kanya yung about samin ni Nicholai.



"natatakot kasi ako na malaman ng pamilya ko yung about samin... Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot ako best sa pwedeng mangyari.." I partly say the truth to her, yung sa part lang na about Kay Nicholai hindi ko binanggit. Ayokong madamay si best, lalo na't masaya na sila ni Nikka.


"Best? So gusto munang Isuko si kailey? Hanggat maaga pa, para maka move on na siya agad sayo at piliin si Nicholai? Tama ba? " Tumango ako sa kanya, "ganun na nga best, kasi atleast ngayon pa lang, hindi na ko maguguluhan kung paano ko ipapaliwanag yung relasyon namin sa pamilya ko in near future. Saka kaya si Nicholai ang kasama ko lagi dahil, gusto ko siya na lang pagbalingan ko ng nararamdaman ko, at siya kasi yung Kababata ko dati at investor nila dad. Kaya malaking chance na sa kanya ako ipair pag dating ng panahon." Siguro kailangan ni best malaman na Kababata ko si Nicholai, para makumbinsi siya kahit papano na ayun lang ang dahilan..

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon