Chapter 32: Status: Complicated

2.4K 55 1
                                    


STATUS: COMPLICATED


****


KAILEY


'Wag mo na kong sunduin, kailey. Pupunta na lang ako mag isa sa meeting place.'

Yan ang txt na nabasa ko. 3 :20am ko na received. Bakit naman kaya ayaw na niya? Wala ba siyang tiwala sakin na hindi ako malalate sa pag sundo ko sa kanya?


Nagreply ako sa kanya, sabi ko pupuntahan pa din kita. At saka nag good morning na din ako. Tumayo na ko mula sa pagka higa ko sa Kama, mag aayos na ko. 3:40 am na din kasi susunduin ko pa si babe. Gagawa ko na din siya ng breakfast na sandwich. Para di kami magutom sa 5 hours na biyahe mamaya. 


Pagka tapos ko mag ayos ng gamit ko at sarili ko gumawa na ko ng sandwich. Tinext ko na din yung parents ko, sinabi ko na ngayon ang field trip namin. Nagpaalam ako sa kanila, kahit hindi kami maayos sa ngayon. Alam ko naman na hindi sila magrereply, kahit naka ilan na txt na ko sa kanila ng sorry, hindi pa rin sila nagre reply.. Tiyak kong gising na sila, dahil susunduin nila sila Lolo at Lola kasama si Kenneth, nangungulit daw kasi si Kenneth na umuwi ng pilipinas, medyo umayos na yung kalagayan niay at sumigla na siya sabi ni Lolo kausap ko kahapon at pinayagan ng doctor niya na bumiyahe. Nakaka lungkot lang, dahil baka hindi ako payagan bumisita sa bahay.. Dahil nga hindi ako tanggap nila mama, pero magttry pa din ako. Para Kay Kenneth. I miss him so much.


Habang nag iisip ako, hindi ko ma iwasan isipin kung bakit biglang lumakas si Kenneth? Naglalaro na daw ng basketball at nagagawa na ang mga  gusto niyang gawin, sa ngalang nun nakaraan nasa critical siya? Magaling lang siguro ang doctor na tumitingin sa kanya. Niligpit ko na yung sandwich at nag handa ng umalis.


Habang nagddrive ako Papunta sa bahay nila Joyce, may na receive ako na isang txt. Dahil nasa subdivision na ko pa pasok sa kanila, minabuti kong huminto muna, at basahin yung txt.


From: JOYCE <3<3 <3


"Diba sabi ko? Wag na. Kaya wag ka ng pupunta dito. At mag uusap tayo mamaya.."


Kahit medyo na offend ako sa txt niya, hindi ko na lang inintindi at tumuloy sa bahay nila, susundan ko na lang yung car nila. Para atleast hindi sayang ang effort ko pumunta dito. Hindi na din ako nagreply sa kanya, baka magkakaroon na kaya, mainit ulo.


Hininto ko yung sasakyan ko sa lilim ng puno, ilang metro mula sa bahay nila Joyce. Sure ko din na hindi ako masyadong pansin dito. Piñatay ko muna yung makina. Maya maya may kotseng puti na dumaan sa gilid ko at ang kinagulat ko, huminto sa tapat nila Joyce.



Mga ilang minutes lang ng pagmamasid ko, nakita kong bumukas ang gate nila Joyce, at lumabas si Babe, after nun, lumabas din yung taong nasa loob ng sasakyan. Hindi ko makita sa view ko, pero sure ako na lalaki ito at hindi naka uniform na pang driver. Pinagbuksan niya si Joyce ng pinto ng kotse at pumasok na din siya. Nagddrive na sila, kaya minabuti kong sumunod sa kanila. Baka Ihatid siya nun sa school.


Habang nagddrive ako iniisip ko kung sino yung lalaking yun. At bakit mas gusto pa siyang kasabay ni Joyce kaysa sakin? Ako yung girlfriend niya diba? Dapat sakin siya sasabay?  

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon