Chapter 38: Broken Hopes

2.4K 64 8
                                    


BROKEN HOPES


*****


KAILEY


'San ako nagkamali?' tanong ko sa sarili ko habang Nakatanaw sa karagatan.


"Hey! Dapat diba masaya ka na? Tapos na yung activity naten oh tapos bukas party-party na lang. " sabi sakin ni Jared. Buti pa siya masaya. Nginitian ko na lang siya ng tipid.


Kata tapos lang namin gawin yung last activity namin, which is to make an Italian recipe. Kaya daw best seller nila ang Italian recipe kasi puro mga taga Europe ang bumibisita sa lugar na ito. Pero syempre nandyan pa din ung mga Filipino dish na hinahanda nila.


Okay naman yung gawa namin, Chicken Milano. Delicious pasta and chicken dish with garlic, sun-dried tomatoes and fresh basil.  Ginawa ko lang mas crispy yung chicken para atleast hindi masyadong maiicompare sa authentic na  chicken Milano. 


sabi kasi ng supervisor namin Iyun ang specific recipe nila ngayong araw puro chicken. Hindi ko nga alam ang gagawin ko kanina, or should I say paano ako kikilos? Kasi ba naman hinuli rin pala nila Nicholai yung activity na yun kaya kaming dalawang partner lang ang nandun Kamusta naman yun diba?


Flashback


"hmmm. Medyo okay na yung chicken  natin kailey. Ihanda mo na yung ibang ingredients, ako na lang ang maghihiwa para sa mga pasta naman natin.. " Sabi sakin ni Jared habang Inaayos niluluto yung chicken namin. 

Kinuha ko yung mga ingredients at hinugasan ito..


"Ako na lang Jared, I handa mo na lang yung noodles pakuluan mo na.. Habang nag hihiwa ako ng ingredients.." He nods at me at Hinanda ang papakukuluin niyang pasta noodles. Nakita kong napa tingin sakin si Andrea. I just shrugged  at nagpatuloy sa ginagawa. Although parang nararamdaman ko na kanina niya pa ko tinitingnan..


Andrea na lang ang tawag ko sa kanya, kahit di pa kami nag uusap ulit. Mas okay na siguro na yung first name na lang ang tawag ko sa kanya.. Isang step na din yun sa pag mo moveon ko sa kanya.  Hindi ko din kasi ma iwasan na kapag Joyce, naalala ko yung lahat ng nangyari samin..


Nag simula na ko maghiwa, pero dahil sa sakit talaga ng ulo ko, kakakiyak siguro at walang Tulog, di ko napansin na nasugatan  ko na pala yung daliri ko..


"Ouch!" Medyo malaki yung cut sa daliri ko kasi sobrang tulis ng  mga kutsilyo dito. 


Nagulat ako dahil naunahan ni Andrea, lumapit si Jared. Kumuha siya ng tissue at pinunasan yung Daliri ko. Si Jared naman napatunganga na lang...


"Akin na hugasan natin yan para malinisan na.. "  sabi sakin ni Andrea at dinala ako sa sink. Hinugasan niya yung kamay ko Mabuti, habang ginagawa  niya yun naka tingin lang ako sa kanya. Bigla kong naalala, baka umasa na naman ako. Kaya kinuha ko yung kamay ko sa kanya, pinupunasan niya pa..

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon