Chapter 36: Breaking Her Heart

2.3K 60 3
                                    



BREAKING HER HEART


*****


KAILEY


Kasalukuyang ako Papunta sa room nila Sam, dun kasi ako makikitulog, kapag sa room namin ako ni Joyce natulog, baka nanakawan ko siya ng Halik patulog niya, mahirap na baka di ko mapigilan yung sarili ko. 


Ganyan mga bagay na lang yung iniisip ko para hindi masyadong isipin yung about samin ni Joyce. Dinadaan ko lang sa pag ngiti ngiti, sabi nila kapag Ngumiti ka daw, Medyo o-okay daw yung pakiramdam mo, which is true naman. Kaya ngiti ngiti din pag may time.


Yung time ko kasi na pinag gugulan ko, ngayon yung pag-iyak. Kaya ngayon dapat ngiti naman. Hindi pa naman siya nagsasabi sakin ng reason niya eh...



May pag Asa pa na... Na sana Minahal niya talaga ako.. 



"Oh anjan ka na pala kailey? Sa tabi ko ikaw matutulog ha? Gusto ko mabango katabi ko eh." Ngumiti ako sakanya. "Wag mo kong bolahin jan, di ko alam, may pag nanasa ka pala sakin.."


" kailey, ngayon mo lang nalaman?" Sabat samin ni Lacey, nakapasok na din ako at pumewesto sa Kama ni Sam. Pinatong ko yung likod ko sa headboard ng Kama ni Sam.


"Oo Lacey ngayon ko lang nalalaman. " tumabi sakin si Sam at Inakap ako. " Sam, ang clingy mo ngayon?" Inalis niya yung pagkakayakap niya sakin, "sayo lang ako clingy. TSS. Ayaw pa, isang Samantha tinatanggihan mo?"


"Baka nakakalimutan mo, I'm already inlove with someone else... Kaya tsupii na. " 


"Wow ha ? Pinapaalis mo ko sa Kama ko? Pwede bang makitulog ako sa Kama ko? Pwede?" Sarcastic niyang sabi sakin. Oo nga pala sakanya ito. Masyado akong nadala sa... someone na yun..



 Erase erase bawal siyang isipin. BAWAL!


"Ay sorry naman. Sam, Tara na dito pa akap!" Lumapit naman siya sakin at umakap. 




"Kailey?"tawag sakin ni Sam, naka akap pa din ako sa kanya.


Rinig sa buong kwarto yung mahina kong hikbi. Basa na din yung damit ni Sam sa bandang shoulder..


hinahaplos ni Sam yung likod ko, hindi ko kasi napigilan umiyak sa shoulder niya, yung akap kasi naalala ko si Joyce.. Mahilig kasi siyang tawagin ako para akapin.


"Si Andrea na naman ba? Hindi pa ba kayo okay?" Umiling ako sa kanya. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko dahil bukas ko pa nga mala laman ang lahat diba? 

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon