Chapter 62: Real Eyes, Realize, Real Lies -Part 3 ( Real Lies)

2.2K 64 16
                                    

Hi! Bago mo basahin ito, gusto ko Lang malaman mo na Ito na yung ending.. :) so.. Paalam na. :)




REAL EYES, REALIZE , REAL LIES -PART 3 (REAL LIES)




********



JARED




"Ganun po ba Sir?"




Seryoso Kong tanong sa ka partner namin sa Business. Nagkwento kasi siya about sa daughter niya. Kahit nagulat ako Hindi ko ipinahalata. Ayokong sabihin niya na nakakatakot pala mahalin ang Anak niya, Dahil Malinaw naman na kami ang ipapakasal in the near future para sa matagal na nilang Plano.





Sabi niya nga kapag nangyari na maikasal kami, Mas powerful, mas malaking investment, mas matatag na foundation sa company.





"Oo, Iho eh, gusto ko ngayon pa Lang Malaman mo na, nagkakagusto din siya sa girls pero Hindi siya lesbian. And actually may kinakalokohan siyang babae nga ngayon, Matagal na talaga yun. Kasi ewan ko ba sa anak ko Ayaw maghanap ng iba, yung seseryosihin niya talaga, kagaya sa babaeng mahal na mahal niya. Okay Lang naman talaga sakin, Kung ganun siya kaso parang sobra na yung pagmamahal niya eh.. Kaya nga pinapadate kita eh. Baka magkaroon man Lang ng Sparks sayo. Kung wala talaga, Siguro hahayaan ko Lang siya, pero gagabayan ko pa din, basta ang mahalaga, wala siyang masasaktan na isang Tao sa pagkuha ng gusto niya.."






Medyo napahanga ako sa sinabi niya, parang na pasaludo ako sa imagination ko. Isa pala siyang karangal rangal na ama. Isa siyang butihin na Ama na may magandang hangarin sa kanyang Anak. Kung ganun sino ba naman ako? Para Hindi ko pagbigyan ang hiling niya na makipagdate sa Anak niya, kahit ilang beses na ko iniindian.





Minsan nga napapatanong na Lang ako Kung may lahi silang indyano. Ang galing kasi ng anak niya mang Indian. Parang expert  na. Hahahaha 






Naiisip ko nga minsan Baka kapag Kinasal kami, indiyanin din ako. Naku! Ayokong mangyari yun. Kaya dapat mapa inlove ko siya sakin. 


It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon