Chapter 31: Knowing Mr. Perfect, Imperfect Side

2.3K 64 8
                                    



KNOWING MR.PERFECT, IMPERFECT SIDE


***


"Nicholai? I-ikaw si kuya nick?!" Hindi ko mapigilan ang pagtaaas ng boses ko, nakakagulat kaya. 


"Yep, ako nga Andrea. " Sabay pakawala ng million dollar smile niya.


"Magkakilala na kayo?" Tanong samin ni dad. "Opo Tito. To be honest po, ka schoolmate ko po siya.." 


"Mabuti naman pala eh. Talagang pinagtatagpo na kayo ng tadhana." Sabi naman ng dad ni Nicholai. "Oo nga dad eh, unbelievable, siguro nga para kami sa isat isa talaga." Hindi na lang ako umimik. Knowing na investor sila ni dad.


 Ayokong prangkahin siya na 'hindi kami para sa isat isa.'


"The dinner is ready, masamang naghihintay ang pagkain. Kaya everyone let's eat!" Biglang sabi samin ni dad. Buti na lang nagyaya na siya, kundi baka sa iba na napunta yung usapan.


Ipinaghila ako ni Nicholai ng upuan bago siya umupo. "let's Pray first." Mauthoridad na sabi ni dad. Ganito kasi si dad, gusto niya laging nagdadasal bago kami kumain. After that, Sinimulan na namin ang pagkain ng dinner. There are 8 kind of dishes in our dining table. And a lemonade for a drinks.


Nag usap sila sa business, pero hindi ako sumasali, although may alam ako sa business namin, pinili ko na lang na manahimik dahil wala talaga ako sa mood.



"So? Ikaw iha? May boyfriend ka ba ngayon?" Biglang tanong sakin ng dad ni Nicholai. Tumingin ako sa kanya, "wala po sir." Tipid kong sabi. "That's good! Maybe you can date my son. Matalino yan, mabait, gwapo, gentleman, maalahanin at matagal ka nang Gus--" Hindi ko na siya piñatapos pa, "I'm sorry po. Hindi po ako pumapayag. Please respect it." sabihin na naten na parang ang rude ko, but he's keep talking nonsense thing. Plus I'm already taken, at kahit hindi alam ng buong mundo, pinapahalagahan ko ang relationship na yun. Mahal ko si kailey, mahal na mahal.


"Why? Iha? Hindi mo ba gusto ang isang SY?"


Oh well, nakakain ba yung surname nila?


 Minamahal ba yun?


  "Sir, I'm sorry but baka nakakalimutan niyo din po na Monteverde ako." 


"Andrea! Please stop it." Tumahimik na lang ako after nun, baka magalit sakin si dad ng tuluyan. Tinuloy na lang nila yung pag uusap nila. 


After an hour, tapos na kami kumain. sila dad naman hindi pa din natapos ang usapan, uminom pa sila ng  wine, kaya minabuti ko na mag excuse sa kanila para pumunta sa sala. Pumayag naman si dad. Hindi ko na rin mabakas sa kanya na galit siya.


Pagka dating ko sa sala, umupo ako sa sofa. Kinuha ko yung phone ko. Nakita ko na may mga messages sakin si Kailey. Gising na pala siya. Kaya naisipan kong tawagan siya.

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon