Chapter 41: Missing You

2.5K 67 4
                                    



MISSING YOU



*****


ANDREA



"Hindi pa din ba papasok ngayon si kailey? " malumanay kong tanong Kay Sam. 


hindi pa din kasi pumapasok si kailey, simula nung monday, Wednesday na ngaun, ilang araw ko na siyang di nakikita.. Naiintindihan ko na wala na si Kenneth, kaso namimiss ko na siya kaya hindi ko maiwasan na hanapin siya Kay Sam lagi.. 


"Hindi pa siguro Andrea, pero kung gusto mo Sumama ka samin mamaya, pupunta kami Kay Kenneth.." 


"Ganun ba? Sige sasama na kang ako mamaya.. " baka sakaling makita ko man lang si kailey dun, at para na rin makiramay sa kanila.


Namimiss ko na talaga siya, at hindi ko rin maiwasan na hindi ma guilty sa ginawa ko sa kanya. Gustong gusto ko na nga siyang balikan eh, kaso paano ko naman magagawa yun kung nakaharang si Nicholai samin, napupuno na nga ako sa kanya eh.


Namimiss ko na talaga siya. Lalo na't ngayon na ganito pa ang nangyari sa kanya.. Gusto ko ako yung taong magiging sandalan niya sa panahon na ganito, at mag babalik ng mga ngiti niya sa labi.



"Ako din sasama ako Sam!" Habang papalapit samin ni Sam, "oh ikaw pala yan , Shin. Sige mamaya after ng school kita kita tayo sa parking." 


"Okay!" Sabay ngiti niya Kay Sam, at inirapan naman ako. 


Aba inaano ko ba siya? Nung isang raw pa to eh, kung maka irap wagas, masyadong bitch ang dating kasama ng mg kaibigan niya, nag ccheerleading din kasi siya. At kilala din siya sa school dahil sila pala yung may ari ng  sikat na hotel chains dito sa bansa at pati na rin sa mga ibang bansa, ang company nila at yung school na ito magkapartner para sa OJT ng mga students sa world class hotel nila.


"Ano bang problema mo?" Naasar na kasi ako sa kanya, kakairap niya. "Tell me Andrea, totoo bang wala na kayo ni kailey?" Napatahimik ako sa sinabi niya, tiningnan ko yung mata niya, ano bang alam nito at ang Tsismosa naman. 


Isa pa, hindi lang siya ang mainit ang dugo sakin, mutual kami Ayoko sa kanya dahil siya yung girl na biglang nag confessed na Bi siya nung kinantahan ako ni kailey sa klase. Baka mamaya totohanin niya na yung sinabi niya na sa saluhin niya si kailey, at liligawan.



NO WAY! 


Hindi ko siya Sinagot at nilagpasan lang, wala akong panahon makipag usap sa kanya. Isa pa naku lungkot ako kapag si kailey ang pinag uusapan, feeling ko isa akong malaking tanga dahil sa ginawa ko sa kanya, ang tanging ginawa niya lang mahalin ako tapos ganun pa ginawa ko?

It All Began When I Met You (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon