***
Cary POV
"Gusto mo bang samahan na kita?" pangungulit ni Ianne kaya hindi ko naiwasang mapalingon kay Jhaya na umirap lang sa akin bago pumasok sa loob ng bus.
Napayuko na lang ako. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ia-approach si Jhaya pagbalik namin sa school. Ang complicated na naman kasi.
"You want ba na ihatid ka?" nabalik yung atensyon ko sa kambal na nasa harap ko.
Ngumiti na lang ako sa kanila dahil sa pagkukusa nilang samahan ako.
"Salamat, don't worry kaya ko naman na" sagot ko sa kambal.
"Ako hindi ko kaya, ilang araw ka ba dun ha?" nguso niya sa akin.
"Stop pouting, Khe. Kadiri" napatawa na lang ako sa reaksyon ni Khiya sa kambal niya.
"Inggit ka lang"
"Sumakay na kayo sa bus maiwan pa kayo, tawag or text na lang ako sa updates" nakapasok na kasi lahat mukhang sila na lang ang hinihintay.
"Sure ka bang ikaw na lang?"
Tumango ako, "Oum nga"
"Fine. Take care there and don't forget to update me, okay?"
"Yup! Thank you"
"Mamimiss kita, huwag kang magtagal dun ha" napatawa na lang ulit ako sa kakulitan ni Khe.
"Stop being OA, Khe. Nakakahiya ka. My gosh!"
Medyo nahihiya pa rin ako kay Khiya lalo na sa pagiging clingy ni Ianne sa akin— akala ko ba hindi kami papahalata! Pinagtitinginan na kami mula sa loob, issue na naman.
"Sige na, una na ako para may maabutan pa akong bus pa-probinsiya"
"Hayss, oo na"
Napatitig ako sa kanya nung bigla niyang ibuka yung braso niya— seryoso ba siya? Gusto ba niyang ma-issue pagbalik ko! Talagang harap harapan na gusto niyang magpayakap.
"Rysse? Yakap" er?— nasa alanganin na naman kaming sitwasyon ngayon.
Iling niya, "Stupid. Come here" biglang hila ni Khiya sa kambal tsaka sila sabay na yumakap sa akin, napansin yata ni Khiya na alanganin ako, nakakahiya tuloy sa kanya.
"Sabi ko si Rysse lang bakit pati ikaw kasama?" reklamo ni Ianne.
"Arte mo, just shut up"
"Psh! Epal— ingat ka dun, Rysse. Mamimiss kita" yakap niya ng higpit sa akin— pfft!
Niyakap ko na lang sila pabalik. Hindi naman ako magtatagal sa probinsya. May kailangan lang akong ayusin at nagkaroon ng biglang problema.
"Ouch! My head!" napahiwalay agad kami sa yakap nung hampasin ni Khiya si Ianne braso dahil sa may leeg na pala ni Khiya siya nakayakap kanina— gagi!
"Opps! Sorry nandiyan ka pala"
Inismiran sabay irap ni Khiya sa kanya bago naunang pumasok sa loob ng bus— napakamot na lang ako sa batok.
"Huwag mong kalimutan na i-update ako, tawag ka kapag nakarating ka na sa inyo. Ingat, Rysse"
Tumango lang ako sa kanya bago nag-wave.
Hayss, nagulat na lang ako nung tumawag sa akin kanina yung kapitbahay namin sa probinsya na may nangyari daw kay Lola plus na-office pa daw yung kapatid kong bunso— kaya heto ako ngayon, mapapa-byahe pauwi ng wala sa oras.

YOU ARE READING
Secrets in Disguise
AcakShe's Kyianna by her true personality but forced to be Khiya to hide her identity. Her two-faced character makes it hard not just to hide who she was but also to conceal her unsettled feelings for someone she can't get over with. Many new faces an...