49: Scared to Love?

1 0 0
                                    

***

Cary POV

Napasinghal na lang ako sa dalwa na parang pinitpit na luyang nakaupo ngayon sa harapan ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin malimutan yung nakita kong kababalaghan sa labas kanina, akala ko naman kung sino na— si Darill lang pala! Talagang sa labas pa ng bahay!

"Ate— " napataas ako ng kilay nung mamataan kong pasimple nitong hinawakan yung kamay ng kapatid ko bago tumango— ano ito teleserye?

"Talagang sa harap ko pa ulit?" hindi ko talaga maiwasang magtunog masungit sa dalwa.

"Cary, kalmahan mo. Tinatakot mo naman sila sa titig mo" napalingon naman sa pwesto nina Tito-Ninang at Lola.

"Apo, hayaan mo muna silang magpaliwanag"

Magpaliwanag— anong klaseng paliwanag ang sasabihin nila sa akin ha!

"Teka nga lang po, bakit parang wala kayong reaksyon sa dalwa?" napansin ko kasi na parang hindi man lang sila nagulat na nahuli kong nakikipaglandian si Darill sa labas.

Pinaningkitan ko naman sila ng mata at kanya kanya naman silang todo iwas ng tingin na parang may tinatago sa akin— paglingon ko sa dalwa sabay naman silang napayuko.

Anak ng!

"Alam niyo?!" alanganing tumango na lang sila ng mahina.

Para akong pinagtrayduran sa nalaman ko. Seryoso ba talaga sila? Alam nila, maliban sa akin?

"Kahit si Tatay alam yung... sa amin"

Mas dun nalaglag yung panga ko, kahit si Tatay? Sa haba ng usapan namin ni Tatay hindi niya man lang nagawang banggitin sa akin yung tungkol dito?

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko tsaka napasuklay sa buhok— pumunta lang ako ng Maynila ang dami na agad nilang tinatago sa akin.

"Ate... Ate, sorry"

Napatingin ako isa isa sa kanila na puro nag-iwas ng tingin sa mata ko kaya hindi ko napigilang mapasinghal— gusto kong magalit sa ginawa nila pero hindi ko magawa.

"Kailan pa?" pilit kong kalma sa boses.

"Ang alin po?" napakamot na lang ako sa noo.

"Yung kayo niyang— teka nga lang, ano mo ba siya?" turo ko sa lalake niya.

Nagkatinginan silang lahat bago siya lumapit dito at nakipag-hawak kamay— seryoso ba?

"Boyfriend ko po, si Aren"

"H-Ha?... B-Boy— ano?!"

Daig ko pang nakarinig ng kung anong nakakatakot sa pinagtapat niya sa akin— paglingon ko sa tapat nina Lola at Tito-Ninang ay tumango sila— so totoo nga?!

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nalaman ko ngayon araw kulang na lang takasan ako ng hininga— nagpapatawa ba sila? Anong klaseng rebelasyon ang bumungad sa aking pagbabalik dito.

"Mag-one year... na kami this year" parang nagpatong patong yata yung sakit sa ulo ko na i-process lahat ng nalaman ko ngayon.

"Parte pa ba talaga ng pamilyang ito?" napapatanong na lang talaga ako sa sarili ko, tangina!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 13 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secrets in Disguise Where stories live. Discover now