"Talagang iniwan na tayo ni Chris." Sambit ko habang sinusulyapan sila mula sa kabilang kainan. Actually, nagkataon talaga na sa magkabila kaming restaurant at parehas pa na malapit sa bintana kaya naman kitang-kita talaga sila ng dalawa kong mata.
Kasama ni Chris ngayon si Eliza. Wait...parang palagi na nga silang magkasama. Bihira na lang kaming nagsasama niayn kaya naman kahit nagkikita pa rin kamin sa school ay namimiss ko pa rin ito. Namimiss ko rin 'yung mga tawanan namin habang nakain at ngayon ay ginagawa nila iyon ngayon.
Iba na ang katawanan niya. Hindi ko alam kung bakit naiinggit ako dito pero kasi ang tagal din naming nagsasama ni Chris tapos hindi ko rin naman inaasahan na may hahati na rin sa oras niya.
Pero ano namang magagawa ko? Mahal niya e. Siguro nga oras na ni Chris para ibigay 'yung ibang oras niya para sa taong alam niyang deserve at si Eliza iyon. Well, cute naman din silang dalawa. Masaya naman sila sa isa't isa at sa tingin ko, sa tiyaga ni Chris sa paghihintay ay masasagot rin iyan. Ramdam ko na rin naman 'yung spark nila habang nag-uusap sila sa kabilang restaurant.
"Pero mas okay na 'yung iniwan ka ng sandali pero babalikan ka naman kasi alam niyang kaibigan ka pa rin niya." Sabi pa nito at nanatili lamang akong nakahalumbaba habang pinapanood pa rin sila sa malayo.
"Kinalimutan ka ba niya, Nicole?" Tanong pa sa akin ni Airene at umiling naman ako. She has a point, at least hindi pa rin ako nakakalimutan ni Chris kahit kadalasan ang oras niya ay na kay Eliza na.
"Edi goods 'yan. Tsaka alam mo 'yun...nandito pa rin naman ako." Dagdag pa nito dahilan kung bakit bumaling na ang atensyon ko dito at ngumiti.
"Siguro nga kaya tayo tinadhana magkita ay dahil alam ni Lord na madalas akong iiwan ni Chris kasi mayroon na siyang nililigawan." Natatawang sabi ko at ganoon din naman ito.
"Everything happens for a reason and we're meant to be friends talaga." She said and I agreed. Pagkatapos n'on ay pinagpatuloy ko na ulit ang pagkain ko.
"Nga pala, pupunta ka ba ng showcase ng Estrellas?" Tanong nito sa akin at agad naman akong umiling. Nakita ko ang pagsimangot nito ng kaunti dahil sa naging sagot ko. Nasanay na ako sa mga ganitong reaksyon dahil noong isang araw pa rin naman ako tinatanong ng mga taong kakilala ko.
"Bakit naman? Ang saya n'on, tsaka pakitang support na rin iyon kay Chris." Nanghihinayang na sabi nito sa'kin.
"Well, I'm going to a formal gathering with my parents. Anniversary kasi ng company nila and since I have become very supportive of their business, ginusto kong sumama. Tsaka gusto ko din maexplore 'yung venue para magkaroon ako ng inspiration for future projects." Pagpapaliwanag ko dito at Mukhang naiintindihan din naman niya ang point ko.
"Committed ka talaga sa Architecture ano?" Sambit nito sa akin at tumango naman ako.
"At first, I want to become a Fashion Designer like my cousin Kylie, but my mother wanted me to become an Architect since she sees great potential on me daw and they might needed daw for their business. I can't refuse, so I tried and at the end I began to love it. Ang sarap palang magdrawing at magsukat ng mga structures and buildings kahit ang complex niya." Sagot ko dito.
"Pero ikaw? Bakit mo napili ang architecture?" Tanong ko naman at bigla itong natigilan saglit dahilan kung bakit naguluhan ako sa naging reaksyon nito. Nabawi niya naman ang pagkatigil niya at bigla akong ngumiti na para bang wala lang ang naitanong ko sa kanya.
"K-kasi gusto ko." Kumunot ang noo ko dahil medyo nakukulangan ako sa kanyang tanong. Hindi ko rin alam kung bakit pero parang natetense siya sa pagsagot ng tanong ko.
BINABASA MO ANG
A Better World With You
RomanceEstrellas Series III "Will I be taking a risk once again and waste this perfect life that has been lended to me or Complicate things as what I have did before?" ------------------ Georgianna Nicole Mercedes, a half spanish and a half filipino woman...
