"Nicole, naiinis pa din ako!" Gigil na gigil na sabi ni Chris sa akin dahil sa mga nangyari sa kanya kanina. Actually kasabay ko siyang mag-lunch ngayon dito sa canteen namin dahil ayaw na naming lumayo parehas. Lalo pa't may kailangang habulin na project si Chris na napunit naman ng isang nurse kanina.
"Your fault. Sinabi ko naman sa'yo na ilagay mo muna sa folder mo bago mo ipasa. Edi sana less 'yung impact sa pagkasira ng project mo at ang t*nga mo naman nung dumayo ka pa sa nurse department e alam mong nagmamadali ka." Chill na sabi ko sa kanya habang itong kaibigan ko ay kanina pang nagmumuktol tungkol sa nasira niyang project at nabigyan pa ng minus ten points.
Kung ako nga rin naman ay nasa sitwasyon niya, syempre malulungkot din ako. Kapag nagkamali pa nga ng five points sa project mo kalahati ka nga agad ng thirty e. Pero dapat din kasi may sign doon na madulas ang dinadaanan edi sana alam ng babae kung kailan magdadahan-dahan.
"Nicole naman e. 'Wag ka namang ganyan sa'kin oh. Hindi ba pwedeng sabihin mo rin kasalanan din ng nurse na iyon at hindi talaga siya nag-iingat." Umirap na lang ako sa kanya at kumain ng tanghalian. Pagod na akong makinig ng pagliligalig ni Chris kasi kanina pa siya. Habang nagk-klase, bulong pa siya ng bulong na sobrang na naiinis na daw siya tapos ngayon maririnig ko pa ulit.
"Hay nako, Chris. Hindi ba pwedeng tapusin mo muna 'yung pagkain mo bago ka ulit magligalig?" Sabi ko sa kanya at inabot ko pa ang kutsara niyang nilayo niya mula sa kanya kanina sa sobrang galit na nararamdaman nito. Tinanggap niya naman iyon at nagsimula na ulit kumain kaso naguluhan naman ako nang may sinundan siyang tingin kaya binaling ko ang atensiyon sa taong iyon.
"Diba si Elizabeth Nile Cortez, 'yan?" Tanong ko kay Chris at agad siyang tumango habang lumilipad na naman ang utak tungkol sa babaeng kanyang iniibig. Nakahalumbaba pa ito at nakangiti habang pinagmamasdan 'yung nurse na crush niya.
"Ano bang nagustuhan mo sa kanya?" Tanong ko pa ulit habang nakakunot ang aking noo.
"Tingnan mo naman, Nicole. Sinong hindi magkakagusto sa ganyang anghel na bumaba sa langit?" Napailing ako sa sagot ni Chris dahil talagang unstable ang utak niya ngayon at hindi mo makausap ng maayos. Pero sige, pinagmasdan ko nga 'yung babae at para sa akin ay maganda nga naman.
Maamo ang kanyang mukha siguro dahil downturned ang kanyang mga mata, straigth ang kanyang eye brows, medyo droopy 'yung nose pero bagay naman sa kanya kasi nacocompliment naman nito 'yung heart-shaped lips niya. Ang buhok niya ay mahaba at medyo wavy tapos nagkukulay brown ng kaunti. Tama lamang ang payat at makinis ang maputi nitong balat.
Indeed, she does resembles a person who was sent from Heaven and her face will make you have an impression that she's kind. "Tama namang maganda at mukha siyang mabait pero bukod doon?" Tanong ko pa ulit sa kanya at binaling niya ang ang atensyon sa akin.
"Ang sweet niyang babae, masipag, ang ganda kung ngumiti, mabait. Hindi man siya gaanong matalino pero matiyaga naman sa lahat ng mga ginagawa niya. Ang ganda-ganda niya, inside and outside." Sagot nito sa aking tanong at mukhang natutunaw ang lalaking kaharap ko nang matapos niyang ilarawan ang kanyang iniibig.
"You're really in love. I hate the face you're showing to me." Medyo natatawang sabi ko sa kanya kaso medyo nasira ang momentum naming parehas nang sumingit si Airene. May dala din siyang tray ng mismong pagkain at tumabi sa akin.
"Hi! Anong pinag-uusapan niyo?" Masayang bati sa amin ni Airene. Nagkatinginan pa kami ni Chris pero hinayaan na naming parehas na sumabay sa amin si Airene since dadalawa lang din naman kami sa table. The more, the merrier daw ika nga.
BINABASA MO ANG
A Better World With You
RomantiekEstrellas Series III "Will I be taking a risk once again and waste this perfect life that has been lended to me or Complicate things as what I have did before?" ------------------ Georgianna Nicole Mercedes, a half spanish and a half filipino woman...