Chapter 22

6 0 0
                                        

Alas diyes na ng gabi at hanggang ngayon ay hindi pa rin nauwi si Justine. Kanina pa siyang kumalikot nang kumalikot ng mga gamit dito sa kwarto ko pero mabuti naman at kahit ganoon ay tahimik lamang siya habang may ginagawa pa ako na project ko. Hindi ko na rin napilit ang lalaking ito na lumayas dahil ang tigas-tigas ng ulo. Ang hirap pang itulak palabas ng bintana dahil mabigat at napipikon lamang ako kaya naman ayan, nandito pa rin siya.



"Ang cute naman nito, George. Evolution ba ito ng improvement mo sa pagd-drawing?" Tanong niya habang tinitingnan ang mga nakadikit kong mga drawing sa pader. Sa unang dulo ay mga drawing ko noong mga bata pa ako, sa kalagitnaan ay mga drawing ko noong highschool at puro about fashion ang mga drawing ko noon, hanggang sa mga drawing ko na ng related sa mga architectures. Masasabi ko nga na evolution nga siya kasi nakikita talaga 'yung improvement ng bawat drawing.




"You can say it like that, pero hindi naman intentional. Basta-basta lang ako nagdidikit ng mga drawing ko sa pader." Sagot ko habang abala pa rin ako sa paggawa sa autoCad. Ngunit kitang-kita naman sa peripheral vision ko na pinagmamasdan nito ang mga drawing ko isa-isa.




"Mahilig ka rin pala sa mga fashion designing e. Bakit hindi mo kinuha ang Fine Arts tapos major mo fashion design?" Tanong niya sa akin habang tinitingnan naman ng mabuti ang mga drawing noong highschool.




"My mama disapprove of it. Gusto niyang mag-architecture ako. Hindi naman ako makatanggi dahil natatakot ako kapag nagagalit iyon sa tuwing sinusuway ang mga gusto niya." Sagot ko habang ang aking mga mata ay hindi pa rin umaalis sa aking laptop. Naramdaman ko naman ang paglapit nito sa gawi ko at yumuko para makita ng mabuti ang ginagawa ko. Parang nanigas 'yung katawan ko nang mapagtanto ang lapit pa ng mukha niya sa akin at parang kaunting lingon mo lang sa kanan ay mahahalikan mo ang pisngi nito.




"Gusto mo naman ang ginagawa mo kahit hindi mo pangarap 'yung course na pinasukan mo?" Tanong niya sa akin.



"Sa una hindi ko talaga gusto, pero nang maadapt ko naman ay nagugustuhan ko na rin. Masaya naman din naman pala. Ako pa makakapagdesign ng sarili kong bahay." Sagot ko sa kanya at bigla itong kumuha pa ng isang upuan para makaupo sa tabi ko.




"'Yun bang mga bahay na ginuhit mo at nakadikit sa pader, ano yun mga plano mo o for project purposes lang talaga?" Tanong niya pa sa akin habang tinitingnan ang mga drawing kong mga bahay na sari-sari ang mga sukat.



"Well some of them are drafts of my dream house. Hindi ko mafinalize kasi pakiramdam ko may kulang." Sabi ko at itinigil muna sandali ang ginagawa ko para makausap si Justine ng maayos.



"Ano bang gusto mo?"



"I kinda find it peaceful to make a house that is inspired with Spanish and Mediterranean Style. I don't care about the size to be honest as long as my wants and needs fits then I'm fine. It should be minimalistic, it should only contain a winter white color, and a calm brown with some greens and I believe plants will do the trick. It should be near the ocean because I think this will compliment the design of the house. I want the scenery to be the beautiful dawn along with the oceanic waves and breeze and damn, that's gorgeous." I said with a tone of enthusiasm as my imagination is playing with my mind for a while.




"That's not bad. It's beautiful. Pero ano naman 'yung kulang?" He asked at doon tumigil ang imahinasyon ko.




"I don't know. I think the house just feels empty even though there are a lot of things inside." I answered and he started contemplating. Kahit ako ay napaisip na rin kung bakit nga ba ganoon ang pakiramdam ko sa bahay na pinapangarap ko.



A Better World With YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon