Chapter 25

8 0 0
                                        

Once our moderator noticed that everything is settled, he signaled us to tell the hosts that they can now begin. Kuya Harvey and I both followed what is instructed for us to do and just as he said, we approached the hosts. Once they got our message, both of the hosts looked at each other as if they are communicating through their eyes that it is time for them to shine. That made me and kuya Harvey looked at each other with a grin, thinking that both of us got the same idea. Anyways, after telling them what we're ought to tell, we decided to go to our respective seats to listen.


"Magandang, magandang umaga sa inyong lahat!" Bati ng isang host na lalaki na puno ng enerhiya. "Nako partner, mukhang inaantok pa ata ang mga ito. Atin kayang patayuin?" Sambit naman ng kasama nitong host na babae at kanya nga kaming pinatayo. Nagkatinginan pa kami ni Jeanne at mukhang ineexpect pa nga niya siguro na mangyayari ang ganito.


"Palagi naman kaming inaantok sa paningin niyo." Rinig kong sabi ni Jeanne at napatawa ako ng kaunti roon. "Kayo kasi, pahinga namin ngayon nagpaleadership training pa kayo." Dagdag pa ng isang officer at sunod-sunod na rin ang reklamo ng iba habang natatawa ng mahina para hindi rin mahuli ng dalawang hosts na nasa unahan. Pero kahit anong reklamo namin ay, sumusunod pa rin naman. Ethical consideration para na rin sa kanila kasi nag-effort sila para mai-provide lamang ang ganitong program na ikabubuti rin naman namin.


"Shhh...dami niyong reklamo, tatayo lang naman." Saway naman ni Kuya Harvey sa amin pero deep inside natatawa na rin iyan panigurado. 'Yung mga ganitong palabas ng mga host kadalasan pinasasayaw ang lahat ng mga estudyante, gumagawa ng chant, or kaya naman pinatatalon ng ilang beses at hindi nga naman ako nagkakamali dahil ang isa sa mga nasabi ko ay nangyari nga at 'yung bagay pa na hindi ko gusto, ang sumayaw.


"Ay! Sige Jeanne, bonggahan mo ang sayaw." Sambit ng isang co-officer ko sa likod at ito namang si Jeanne ay talagang nag-warm up. Tumalon muna ng kaunti at ikiniling ang ulo sa kanan at kaliwa para magbatak ng buto.


"Oh mukhang laban na laban ngayon ang Maraya Colleges, sino pa ang game na game diyan?" Napansin ng dalawang host ang inasta ni Jeanne at lahat naman kami ay nagsigawan para suportahan si Jeanne na sobrang liksi ngayon. Nang mapansin ng ibang school iyon ay naghanap rin sila ng magaling magsayaw at kung titingnan, ang lahat ay parang bang nakikipagkompitensya in a friendly way lang naman.


Tuwang-tuwa naman ang mga host sa unang pinaggagawa nila sa amin ngayon at hindi naman nagtagal ay sinimulan na ngang i-play ang isang youtube video na zumba para kami ay magising agad. Bago pa ako makisama sa mga ganitong sayawan ay tumingin pa muna ako kay Kuya Harvey na natatawa dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Sa katunayan, wala akong talent magsayaw at kung gagawin ko man ay sobrang awkward ko sa puntong matatawa ka naman.


"Okay lang 'yan, George. Hindi ka nag-iisa." Pagpapalakas ng loob ni Kuya Harvey at ayon na nga, nakisabay na lang ako sa pagsayaw habang sinusubukan kong itago ang sarili ko kung saan hindi ako nakikita ng ibang tao. Sobrang nacoconscious kasi ako kapag nagsasayaw talaga at naiinggit ako kay Jeanne na walang pakialam sa paligid at sayaw lang ng sayaw. Well, wala naman siyang dapat ikahiya dahil magaling talaga siya magsayaw.


Pagkatapos ng tatlong minutong kahihiyan ay nakahinga ako ng maayos nang matapos ito. Pinaupo na rin kami ng host at kanilang pinagpatuloy ang sunod na agenda para sa programang ito. Nagsimula sila sa isang detailed na introduction kung saan pinaliwanag dito 'yung definition, background, rationale ng programang ito, at kahalagahan nito para sa aming mga estudyante. Syempre kung mayroong introduction, may body din at nang matapos nila 'yung introduction ay pinakilala na nila 'yung speaker na expert at may experience na sa field na ito.





'Yung mga ganitong mahahalagang context hindi dapat pinalilipas kaya naman nagbukas ako ng bag at kinuha ang aking notebook at ballpen para sulatin 'yung mga mahahalagang bagay na pakiramdam ko ay magagamit ko. Ibinahagi sa amin ng speaker kung ano dapat ang ugali ng isang epektibong lider at kung ano ang kadalasan na hinahanap ng follower sa kanila. Ang nakapailalim dito ay 'yung trust, compassion, stability at hope. Isa-isa niya iyon ipinaliwanag at aking tunay na pinakinggan. Sunod niya ring ibinahagi ay 'yung mga expectations para sa aming mga lider at lima ang naging punto nito, though may pinagkuhanan ng sources para suportahan 'yung idea niya.


A Better World With YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon