Chapter 23

9 0 0
                                        

"George! Kamusta? Ito ba ang ginawa ng mama mo sa'yo?" Tanong sa akin ni Airene nang makita niya ang band aid na nakadikit sa aking pisngi. Nabigla pa nga ako at napag-isip-isip kung bakit parang alam niya ang nangyari sa akin at kung bakit niya agad naisisi kay mama.



"E-excuse me? But my mother has nothing to do with this." I exclaimed with a bit of frustration. Hindi man totoo ang sinabi ko pero ayaw kong makita ng iba na masama ang mama ko. Napansin ko pa ang pagkabigla sa mukha ni Airene at mukhang hindi niya naman sinasadyang banggitin iyon.



"I...I'm sorry, George. I just heard what happened to you." She said with a concerning look. I suddenly softened when I realized that I was making an angry expression that may be frightening her.


"I'm sorry too, but from whom did you hear it?" I asked and saw her gulped that leaves me to an impression she's quite nervous. What suddenly makes her nervous for answering a question like this?


"Ah...kay...Chris. Tinanong ko kasi sa kanya kahapon kasi nag-aalala rin ako sa'yo. Ang sagot pa nga niya sa akin ay nagkaroon nga daw kayo ng problema ng mama mo tapos ayun. Pasensya ka na nga pala ah. Hindi ako nakabisita sa'yo may...pinapauwi kasi ako ng mga magulang ko ng maaga." Sagot niya sa aking tanong. It is possible na si Chris nga ang makakapagsabi nito kay Airene since kaibigan na rin ang tingin niya rito at alam niya ring komportable na ako rito. Pero sana man lang nagpaalam muna siya sa akin kasi ayaw ko talaga na kinakalat niya ito basta-basta.


Wrong move din ang nagawa nina Cyril kahapon. Dapat hindi na lang din nila sinabi kina Chris ang nangyari kahapon sa amin ni mama dahil gusto kong manatiling confidential ito sa pamilya lamang namin mismo. Iyan tuloy nalaman pa rin ng mga Estrellas.


"Siya ganito na lang, Airene. Huwag mo na lang ipagkalat ito kahit kanino. Pakiusap dahil ayaw kong mapasama ang mama ko." Sambit ko dito at agad naman itong tumango. Mabuti na lamang at madali itong kausap. Though may kaunti akong doubt, hindi ko pa ganoon kakilala si Airene kaya natatakot ako at baka madulas ito sa ibang tao.


"E kamusta ka naman?" Tanong niya sa akin habang sabay na kaming naglalakad sa hallway.


"Fortunately, I'm feeling better now." I simply said.


"May namiss ba ako kahapon?" Tanong ko naman sa kanya at tumango ito. Binuksan pa niya ang kanyang phone at nakita kong madaming nadagdag sa mga activities na kailangan naming gawin. Kaya ang hirap din lumiban, dumadami ang gawain nang hindi mo alam.


"Masyadong madami." Medyo natatawang sabi ni Airene. Napabuntong hininga pa ako bago humalakhak. Promise, matatawa ka na lang talaga na medyo naiiyak sa kaloob-looban.


"Oo nga pala, nalaman mo ba na aalis ang Estrellas papuntang Los Angeles?" Kumunot naman ang noo na may ganoon palang plano ang Estrellas. Wala man lang nabanggit sina Justine, Kuya Benj, Zayden at Chris sa akin e kasama ko na rin sila kahapon.


"Hindi. Bakit daw?" Tanong ko sa kanya.


"Concert. Nakita ko lang 'yung pinost nilang invitational poster sa facebook, IG, at Twitter." Wala akong alam kasi hindi ko nakikita iyon sa akin. Hindi rin ako masyado naging active sa social media at kung naging active man ako, hindi ko siguro pinapansin.


"Wow, doon sila magcoconcert? That's cool. Ngayon lang ulit makakapagconcert abroad." I joyfully said. Looks like they are now promoting their new album.


"Gusto ko ngang pumunta kaso may klase." Nanghihinayang na sambit pa ni Airene. Gusto ko rin sana manood ng concert sa Los Angeles pero pakiramdam ko naman na magkakaroon pa sila ng isang concert dito. Actually busog na busog na nga ang mga fans nila dito sa Pilipinas dahil kadalasan naman ay lagi silang may gig at showcases sa iba't ibang lugar.


A Better World With YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon