Chapter 28

6 0 0
                                        

A few days has passed, and yet, Justine and I never had an interaction. I think I'm getting used to it or is it because I'm just too focused with all of my works the reason why I don't mind for now. Or is it because I'm thinking about other things that bothers me too much. Tulad na lamang ng sitwasyon ngayon ni Chris. Hindi mo masabi kung may problema ba o epekto lang ng mood swings.


Simula kasi Monday hanggang ngayon, mukhang distracted siya sa isang bagay. Makikita mo nakatulala, nag-iisip siguro ng malalim. Kapag kausap mo naman, ang dami mo nang nasabi tapos ipapaulit niya sa'yo kasi hindi niya naintindihan. Mapapansin mo rin na hindi siya madalas tumatawa, medyo nakakainggit lang din na mapapansin mo pa 'yung pagngiti niya kapag kasama niya si Eliza. Hindi naman ako girlfriend ni Chris pero kung iisipin mo rin, ako dati ang nagpapangiti diyan e tapos ngayon hindi ko na magawa.


Kilala ko si Chris. Magsasabi iyan ng problema kapag handa na ito. Naghintay naman ako at ngayon, friday na hindi pa rin siya nagsasabi. Hindi ko na rin naman natiis at tinapik ko na sa balikat habang abala pa ito sa paggawa sa autoCAD. "Huy, okay ka lang ba talaga? Nag-aalala na ako." Concerned na tanong ko pa dito at talagang lumipat pa ako ng pwesto para lamang makaharap siya ng maayos.


"Okay lang ako. Huwag ka nang mag-alala." Simpleng sagot nito sa akin habang nakatitig pa rin sa kanyang ginagawa. Napairap naman ako dahil sa inaasta nito kaya nagbalak muna ako na isara ang kanyang laptop para mabaling ang atensyon nito sa akin. Pagkasara ko naman ng laptop niya ay nagpalatak ito bago tumingin sa akin na may pagkainis.


"Ano ba, Nicole? May ginagawa ako dito." Inis na sabi nito sa akin. Akmang bubuksan niya na ulit ang kanyang laptop pero pinigilan ko at inilayo muna sa kanya. Mabuti na lang at hinayaan ako nito at hindi na rin lumaban kasi magkakagulo talaga kami dito kapag nangyari talaga iyon.


"Huwag mo akong gawing t*nga. Nararamdaman ko lang na nagmumukha na akong others sa paningin mo kasi medyo iba na 'yung natatanggap kong trato mula sa'yo. Napapansin ko lang kasi na kapag magkasama tayo, hindi ka na ngumingiti. Kadalasan pa hindi ka na nakikinig sa mga sinasabi ko. Hindi ka pa nakikipag-usap sa akin. Ang tahimik lang natin. Nararamdaman ko rin tuloy na ayaw mo na akong kasama." Sunod-sunod kong sabi sa kanya at nanatili itong tahimik habang nakatingin sa kanyang naglalarong kamay.


"May problema ba, Chris?" Mahinahong tanong ko dito at tumahimik na rin pagkatapos n'on. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito at nagpasalamat ako sa Diyos dahil nagkaroon na ito ng balak na magbahagi sa akin.


"Si Sadie..." Sambit niya sa pangalan nito. Gusto ko sanang magtanong kung anong nangyari pero mukhang sasabihin niya naman na kung bakit kaya nanahimik na lamang ako at hintayin ang kanyang sunod na sasabihin.


"Noong matapos kasi ang party namin last Sunday. Ako na ang nag-volunteer na ihatid sina Sadie sa kanila kasi lasing na. Katabi ko siya sa sasakyan at hindi ko aakalain na bigla na lamang ito aamin sa akin na gusto niya ako." Kumunot ang noo ko. Hindi ko kasi alam kung bakit kikonsidera niya ito bilang isang mabigat na problema.



"Oh eh ano ngayon?" Tanong ko sa kanya.



"Hindi ko naman kasi inaakala na ganoon. Lasing siya n'ong time na iyon at bigla na lang umamin. Ngayon, natatakot na ako malaman kung totoo 'yung sinabi niyang iyon dahil ayaw kong makasakit." Sabi niya at dito ko na nakikita 'yung pagiging pagkaproblemado niya. Halatang hindi niya alam ang gagawin at naiintindihan ko iyon.



"Nakokonsensya na nga rin ako. Ilang araw ko na rin siya hindi pinapansin kahit sa mga messages niya ay hindi ako nagrereply. Kasi nga hindi pa ako handa na kausapin siya tungkol dito."



"Parang sisihin ko pa ang sarili kapag sinaktan ko iyon. Hindi niya kasi deserve 'yon, Nicole." Dagdag pa niya at naliwangan na ako sa lahat ng pangyayari na naging dahilan kung bakit ganito si Chris. May sasabihin na sana ako sa kanya kung paano niya masosolusyunan ito subalit umimik pa siya.




A Better World With YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon