"Nicole, gusto mo bang sumama sa akin?" Tanong sa akin ni Chris nang makalabas kami ng classroom namin. Nang maitanong niya ito sa akin ay para bang may namumuong konsensya sa akin dahil kinakailangan niya ng taong makakasama ngayon subalit may plano na ako at ayaw ko rin namang masira ang planong iyon dahil bago rin iyon sa akin.
"Saan?" Tanong ko naman sa kanya pabalik. Pinalsak niya ang kanyang parehas na kamay sa bulsa at kinibit ang kanyang balikat.
"Kahit saan. Lugar na pwedeng mag-unwind ulit." Sagot niya at awkward itong humalakhak ng kaunti.
"I...I'm sorry, Chris. May plano na kasi ako ngayon kaya hindi muna ako makakasama sa'yo. Siguro next time or bukas if may balak kang puntahan. Hindi lang ako pwede ngayon e." Sabi ko at medyo nalulungkot ako dahil tinatanggihan ko si Chris ngayon. Kadalasan kasi game ako sa lahat ng mga pag-aanyaya niya kaso iba na ngayon. Humahangad na rin kasi ako ng ibang bagay na ibang tao naman ang makakapagbigay. Siguro ito rin ang nararanasan ni Chris kapag tinatanggihan niya ako. Ito na pala ang karanasan na kailangan mo nang mamili kung kanino mo ilalaan ang oras mo.
"Ahh sige, okay lang. By the way, para sa contest niyo ba iyan or bonding with cousins?"Tanong niya pa sa akin at parang nagiging interesado na sa plano ko ngayong araw.
"Actually, it's bonding time..." Sagot ko at napakagat ako sa aking labi dahil ayaw ko nang ituloy ang susunod at itinapos ko na lang mismo sa mga salitang 'bonding time'. Sa tingin ko naman na ang aakalain nito ay mga pinsan ko ang mga kasama ko.
"Ahh okay! Ingat at enjoy kayo ng mga pinsan mo. Magt-third wheel muna ako sa date nina Kuya Benj at Ate Chiara." Natawa naman ako sa huli niyang sinabi. Talaga namang makikisama pa sa date nina Kuya Benj pero feeling ko naman goods ang girlfriend ni Kuya Benj. Siya rin naman ang dahilan kung bakit sila nabuo. Now that I think of it, gusto ko na tuloy siyang makita at makilala. Pangalan pa lang niya at description mula kay Justine at Kuya Benj, ang sweet at ang bait niya na e.
"Ikaw talaga! Siya sige na, Chris. Kita na lang tayo bukas." Sabi ko dito ngunit bago pa man ako umalis ay biglang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa aking bulsa at nakita ko agad na galing kay Justine ang mensahe.
From: Justine'
Ready? Will be waiting outside the campus.
Binasa ko na lang muna ang message ni Justine dahil pupuntahan ko rin naman siya roon. Pagkatapos no'n ay kumaway na ako kay Chris bilang pagpapaalam. Diretso akong naglakad papuntang parking lot upang makuha ang kotse ko roon. Madali lang naman siyang nahanap dahil paglabas ko ay kaharapan ko na, kaunting baling lang sa kaliwa. Sumakay ako sa aking sasakyan at lumabas ng campus.
From: Justine
Nasa Cafe lang. Tumigil ka muna roon. Sayang libre ni Zayden haha.
Napailing ako kasabay ng aking pag-ngiti. Hindi mo aakalaing mapera dahil puro libre sa kasama. Ngunit tulad nga ng sabi niya ay pumunta ako ng Cafe. Nag-park muna ako sa gilid ng kalsada at nag-text muna sa kanya para malaman niya na narito na ako at malaman din kung ano na ang ginagawa niya.
To: Justine
Here already at the Cafe. Check the back of your car and you'll see mine. And by the way, are you done buying?
Mga ilang minuto ay wala akong natanggap na reply mula sa kanya. Siguro dahil iniintindi pa niya ang pagbili kaya naman nag-intay na lang ako. Habang minamataan ko ang labas ay nakita ko si Jane.
Teka...si Jane?
Napahilamos ako sa aking mukha nang makita siyang naglalakad at mukhang papasok ata ng Cafe kaya naman dalas-dalas kong tinawagan si Justine at mabuti na lamang ay sinagot niya.

BINABASA MO ANG
A Better World With You
RomanceEstrellas Series III "Will I be taking a risk once again and waste this perfect life that has been lended to me or Complicate things as what I have did before?" ------------------ Georgianna Nicole Mercedes, a half spanish and a half filipino woman...