Chapter 12

15 0 0
                                        

"Just a little bit more and we're off to go." I said while I am deeply focusing on how to stick a piece of a rectangular card board on the base while the other member are busy cutting and measuring card boards that follows the plan that we made.



Also, Chris is not with us for today because he needs to do some important things to prepare for the debut party later and right now, it's almost 3:30pm. We decided to end our progress early because we need to prepare ourselves for Chris's party. Mabuti na rin at madami na kami nagawa kaya hindi na kami masyadong magwoworry kapag malapit na ang pasahan dahil keri na siyang tapusin ng maaga.




RING!



"3:30 na mga lods. Oras na para magligpit ng mga kalat." Sambit ni France at siya ang nangungunang gumalaw sa pagliligpit ng mga gamit. Sumunod na rin kaming apat para mabilis matapos dahil uuwi pa rin sila sa kanila. Napadesisyunan din kasi nila na dito na lang sa bahay namin gumawa gawa nang kompleto gamit sa amin. Para hindi na rin kami magpapauli-uli sa tindahan para lamang bumili ng mga kulang namin.




This time naman ay narito na nga rin si Lana at medyo heart broken pa dahil nalaman naming iniwan na lang daw siya bigla ni Justine pagkatapos ng ginawa nila noong isang gabi at iyon na rin ang gabing iyon na hindi siya nakaattend sa meeting naming lima.




Alam na naman ng lahat na hindi nga nagseseryoso si Justine sa isang relasyon at pinaglalaruan niya lamang ang mga babae pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kahit alam na nilang risky makipagrelasyon kay Justine ay bumibigay pa rin sila at kinabukasan iiyak na lang sila dahil natural naman na nang-iiwan ang lalaking iyon ng walang dahilan.




"Mga guys, una na kayo. Ako na lang ang tutulong kay Nicole sa pagliligpit nito. Umuwi na lang kayo para hindi sapilitan ang paggagayak niyo para sa party ni Chris." Sambit naman ni Lana habang patuloy itong nagpupulot ng mga kalat sa sahig.




"Hindi ka ba pupunta sa birthday ni Chris?" Tanong ni Roy at nakita naming tumango si Lana. Kitang-kita pa rin sa mata nito ang lungkot dahil sa nangyari sa kanila ni Justine.




"Let me guess, you don't want to see Justine." I said while still helping out to clean our place. Nagulat pa nga ako kay Ate Emma nang bigla na lamang siyang sumulpot na may hawak na walis tambo at dustpan para tumulong sa paglilinis.




"Sino bang matutuwa na pinaramdam niya sa'yo na mahal ka niya noong gabing iyon tapos maririnig mo na lang na ibang pangalan ang kanyang binabanggit?" Kumunot ang noo ko at pansin ko rin ang naguguluhang ekspresyon nina France at Roy nang mabanggit iyon sa amin ni Lana samantalang si Ate Emma naman at walang pakialam sa aming pinaguusapan pero alam kong nakikinig siya habang nagwawalis.




"Ha? Ibang pangalan? Sa dinami-dami siguro na naging babae no'n, naguguluhan na kung anong pangalan ang babanggitin." Sabi naman ni France at tumango naman ako sa pagkasabi niya. Madami nang naging babae si Justine at baka naguluhan na rin kung anong pangalan ng kasama niya or baka hindi siya interesado sa babae kaya naman hindi rin tumatatak sa isipan niya 'yung pangalan.



"Siguro nga. Dapat hindi ka na pumapatol sa ganoong lalaki, Lana. Subukan mo akong mahalin, habang buhay kang sasaya sa aking piling." Banat naman ni Roy kay Lana at napailing na lamang ako habang nakangisi. Napansin ko namang umirap si Lana sa pagkakabanat ni Roy pero tanging kindat lamang ang kanyang tinugon. Is this still a joke? Or are they getting there?




"Roy, mamaya ka na lumandi. Bilisan mo diyan at uuwi na tayo." Pagbabasag ng trip ni France at pinagpatuloy ko na nga lang rin ang pagpulot ng mga kalat.




A Better World With YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon