"Nicole!" Sigaw ni Chris sa akin nang makita ako nito na kapapasok lang ng school. Kumunot naman ang noo ko nang tumakbo ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit na akala mo nama'y matagal akong hindi nakita.
"You seemwd happy. Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya habang nakahawak ang mga kamay ko sa mga braso nito upang mapigilan ang paghigpit nito sa kanyang yakap dahil paniguradong hindi ako makakahinga.
"Kami na!" Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niya iyon sa akin at dahil doon ay napayakap din ako sa kanya ng mahigpit habang sabay nang tumatalon sa saya.
"Hala seryoso?" Sandali akong tumigil para linawin ang sarili ko kung tunay ba talaga iyon at hindi niya ako pinaglalaruan pero tumango siya kaagad sa akin at kitang kita naman sa ngiti ang sayang nararamdaman niya ngayon.
"Oo Nicole! Kahapon niya lamang ako sinagot." Niyakap ko pa ulit ito ng isang beses at tumalon pa muli ng ilang beses dahil saya.
"'Yun naman hindi na siya single." Masiglang sabi ko pa dito at tumawa ito.
"Malamang Nicole. Alangan namang hindi na taken. Mindset ba mindset." Pambabara naman nito habang tinuturo ang ulo nito para mabigyang emphasis 'yung sinasabi niyang mindset. At dahil doon ay sinamaan ko siya ng tingin sabay hampas sa balikat nito.
"Grabe 'yung support ko dito, Chris ah. Walang barahan." Naaasar na sabi ko dito at dahil proud na naman siya sa kanyang ginawa ay tinawanan na lamang ako nito.
"Pasensya ka na best friend. Ang saya ko lang talaga ngayon." Sabi pa niya at saka ako inakbayan nito sabay hatak sa kanya palapit. Sobrang clingy talaga ng lalaking ito. Hindi kaya magselos si Eliza sa akin nito.
"Hay nako, Chris mag-ingat ka na sa mga ginagawa mo. Alam mo naman sa panahon ngayon, ang nagiging cause ng break-up ay 'yung best friend at ayaw kong makapanira pa ng isang relasyon kaya kung maaari mas maging clingy ka na girlfriend mo kesa sa akin. Mamaya ako pa ang pagselosan dito." Sabi ko dito habang sabay na kaming naglalakad papuntang canteen para magpalipas ng oras dahil mamaya pa naman ang aming unang klase.
"Sari-sari na naman iniisip mo Nicole e. Si Sadie nga palagi kong kasama, hindi niya pinagseselosan. Ikaw pa naman kaya." Malakas na loob na sambit nito sa akin. Talagang malakas ang confidence nito na hindi ito ang magiging cause ng away nila. Siguro naman ay dahil naiintindihan din naman ni Eliza na magkaibigan lang kami ni Chris at hindi na lalayo pa roon.
Halos tatlong taon na kaming magkaibigan ni Chris at ni isang beses hindi kami nagkagusto sa isa't isa tsaka tulad naman ng sabi ko na wala akong panahon para mag-boyfriend kaya kampante na sa akin si Eliza.
"Eliza may be an understanding girlfriend, but you must know your limitations to make assurance. Ikaw rin dapat ang iintindi sa kanya lalo na't kadalasan emosyonal kaming mga babae." Hindi ko alam kung bakit nagbibigay ako ng ganitong advice kay Chris pero gawa na rin siguro na baguhan siya sa mga ganitong bagay. Hindi man ako experienced at never pang naging baguhan sa ganito, masasabi ko naman na may enough knowledge ako about relationships like this.
"Hmm...I'll take that advice noted." He casually said and I nodded. Pagkatapos naman non ay bigla kaming tumahimik. Humalumbaba pa muna ako at pinagkrus ang aking mga binti habang nag-iisip ng pwedeng pag-usapan pa pero nawala lahat nang naisip ko nang masulyapan ko si Justine na kasa-kasama ang kanyang mga kaibigan.
Hindi rin naman nagtagal ay nagtama ang tingin namin. Walang kawayan, walang ngitian, at kahit pagtaas ng kilay ay hindi namin nagawa dahil madaming makakakita. Pagkatapos nito akong sulyapan ay lumipat ang tingin nito kay Chris at nagitla naman ako nang tawagan niya si Justine palapit sa aming gawi.
BINABASA MO ANG
A Better World With You
RomanceEstrellas Series III "Will I be taking a risk once again and waste this perfect life that has been lended to me or Complicate things as what I have did before?" ------------------ Georgianna Nicole Mercedes, a half spanish and a half filipino woman...
