Chapter 26

4 0 0
                                        

After the performance of all the Groups, the two hosts undergo the process of evaluation together with the teachers in order to determine who is the winner for this first round. While waiting for their announcement, we decided to just talk with our group mates to entertain ourselves for a meantime. "Sino kaya ang mananalo?" Tanong sa amin ni Karyl.



"Siguro maalin sa atin or 'yung group nina Kuya Benjamin." Confident na pagkakasabi ni Louie pero hindi rin kami masyadong naging kampante kahit pa maganda din 'yung amin dahil maraming grupo ang may potential na manalo. Sa tingin ko nga rin ay 'yung group nina Kuya Harvey at Jeanne ay maganda ang naipakita. Madagdag ko rin na may malaking posibilidad din na manalo sina Kuya Benj kasi ang creative nung mga lyrics nila tsaka 'yung tono originally made talaga. Ano pa ba ang aasahan niyo e leader ng banda iyan.




"Sa tingin ko 'yung group 5 at 7 din pwede pero huwag tayong mangamba, guys. Masyado ring ginalingan ng ating leader." Pagpapalakas ng loob ni Angela dahilan kung bakit napangiti si Arriana dito. Nabanggit niya nga pala na medyo baguhan pa ito sa pagl-lead pero wala naman siyang dapat na ikakaba or ikangamba dahil ginagawa naman niya ng maayos ang trabaho ha tsaka may paninindigan. She's going to be a good leader someday.



"Oo nga. Pero mas gusto ko pa rin 'yung 'hey we're classy' ni Nicole. Nasa Runway ka girl?" Sabi pa ni Paulo at talagang ibinangga pa niya ang kanyang balikat sa akin na may kasamang ngisi sa kanyang labi. Natandaan ko na naman 'yung ginawa ko kanina at hindi ko alam kung paano ko iyon na pull off knowing na sobrang kabado ako kanina. Ramdam ko pa rin talaga 'yung kahihiyan kahit tapos na.



"Ay oo! Thank you sa suggestion na iyon Paulo. Bagay na bagay nga sa kanya 'yung part na iyon. Sis, simula nung ginawa mo iyon, ang dami nang tumitingin sa'yo at pinag-uusapan ka pa." Masiglang pagkakasabi sa akin ni Arriana at mas lalo pa akong nahiya dahil doon. I'm not really used to receiving such praise, but I totally appreciate it.



"Sinong hindi mapapatingin kay Nicole e sa ganda niyan. Tingnan mo si Alessandro at kanina pa nagnanakaw ng tingin. Tapos ang tingin pa ay parang may ibigsabihin." Dagdag pa ni Karyl dahilan kung bakit lahat sila ay napatingin kay Alessandro na inosenteng nakatingin din sa kanilang lahat.



"What?" He asked while chuckling a bit. All of them are looking suspiciously to Alessandro but, then again, they know that this guy is really obvious already.



"Yieee may gusto kay Nicole." Pang-aasar ni Louie kay Alessandro dahilan kung bakit mas lumawak ang ngiti nito habang hinihipo na rin ang kanyang batok dahil sa kahihiyang idinulot ng mga kasama namin.



"I mean who can't resist? She already had me head over heels since day one." He honestly and looked at me with sparks in his eyes. Looks like what's he's telling is true. Considering also the way he acts around me, it's already fine to conclude it like that.



"Pero to be honest, bagay kayo ni Nicole." Sambit naman ni Angela at lahat sila ay nagtilian habang ako naman ay napailing na lamang at hindi makatingin ng tuwid kay Alessandro.



"Jowain mo na Nicole! Siguro ito na 'yung sign para magkaboyfriend ka na." Panloloko pa sa akin ni Paulo at inirapan ko na lang ito. Mabuti na rin naman at napukaw na ng host ang atensyon ng lahat ng estudyante nang sila'y bumalik ulit sa entablado para ibahagi ang nanalo sa unang round na ito.



"Okay...medyo nagkalituhan pa kami nina sir at ma'am dahil ang gagaling niyo people! Palakpakan muna natin ang ating mga sarili for a job well done!" Sabi ng host at lahat naman kami ay nagsipalakpakan.



"Ayan! Pero isa lamang ang pwedeng manalo at walang iba kundi ang group...oh sige sino sa tingin niyo." Madami ang parang nadismaya dahil akala nila ia-announce na ang mananalo pero bigla bumanat ng ganon ang host subalit, hindi rin napigilan ng iba na isigaw ang group number nila.



A Better World With YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon