"Oo nga, may gusto nga sa akin si Sadie." Biglaang sambit sa akin ni Chris habang abala ako sa pagguguhit sa isang malaki-laking papel. Hindi na rin naman ako nagulat dahil expected ko na rin naman. It is true that the drunk mind speaks a sober heart. Tsaka kitang-kita na rin naman kung paano tumingin si Sadie kay Chris. Ipinagsisigawan talaga na gusto niya talaga si Chris.
"And what did you do after the confession?" Tanong ko sa kanya habang nananatiling nakatingin pa rin ang aking mga mata sa papel.
"Hindi ko nga alam ang sasabihin ko sa totoo lang. Pero ang sabi niya sa akin ay wala na rin naman ako dapat pang sabihin dahil maglalaho rin naman daw ang kanyang nararamdaman." Lambuting sagot sa akin ni Chris at saka ako lumingon sa kanyang gawi at nakita kong napahiga na sa aking kama. Napailing na lang ako at saka tumayo sa akin inuupuan at lumipat ng upo sa may higaan sa tabi ni Chris.
"Dapat may sinabi ka pa rin." Sabi ko at nakita ko ang pagkunot ng noo nito sa akin.
"Like ano?" Tanong niya pa at humiga na rin ako kasi hindi ko kayang magtagal ng walang sandalan.
"Kahit sorry man lang. Like kunwari 'I'm sorry, Sadie. Please understand that I won't be able to return my feelings for you.' Hmm...it might sound harsh but at least you're honest. Pero kahit wala ka naman sabihin maiintindihan niya pa rin kasi alam niya naman ang pinasok niya. Wala naman din siguro siyang balak umamin kasi may girlfriend ka na pero nadala ng alcohol." Sabi ko sa kanya at parehas na kaming napatulala sa kisame. Actually, Chris will be having his flight later at 2:00 am in the morning and the reason why he's here in our house before anything else is because he wants to talk to me about some random things that he wouldn't be expecting we will be tackling it seriously.
"Ganoon nga dapat ang sasabihin ko pero hindi naman kasi nagprocess ang utak ko agad tapos bigla na lang siya naunang maglakad at iniwan ako." Sabi ni Chris sa akin at humalakhak ako. So that's the feeling of being rejected. Hindi ko pa naman din siya naeexperience pero any kind of rejection from those people or things you like the most is kinda painful.
"Pero kung iisipin mo, bakit niya kaya ako nagustuhan?" Tanong niya.
"Well...liking you is not really that hard. I could say you're one of the men who every girls or women dream of. Aside from having an enormous fame and an admirable face, when it comes to a certain relationship, you always have good intentions. You're a good person, Chris. Magtataka ka pa ba kung bakit ka nagugustuhan ng isang tao?" Sagot ko sa kanyang tanong at napansin ko ang paglingon nito sa akin kaya naman pati ako ay napatingin na rin sa kanya.
"E bakit hindi mo ako nagugustuhan?" Natatawang tanong niya pa ulit sa akin at tumawa ako.
"Kasi kaibigan lang tingin ko sa'yo. Kakaiba kasi ako, Chris." Sagot ko subalit ang tingin niya sa akin ay para bang hindi siya naniniwala. Nahampas ko tuloy ang kanyang mukha ng mahina lang naman. 'Yung tingin kasi niya e, nakakaasar.
"E George, kamusta naman? Wala bang umaamin sa'yo?" Ang dami niyang tanong ha pero okay lang, humahaba rin naman ang usapan namin. Sasagot na sana ako sa katanungan niya pero pinigilan niya ako at siya na ang nagsalita habang ang kamay niya nakasenyas na tumigil muna ako sandali.
"Wait...feeling ko alam ko na 'yung sagot. Meron diba? Si Alessandro 'yung isa. Hiningi niya pa number mo sa akin." Nagtanong tapos siya rin ang sumagot.
"Yeah but you shouldn't." Sabi ko pa sa kanya habang nanlilisik ang mga mata ko sa kanya habang ito naman ay tawang tawa sa kanyang ginawa. Sobrang inuuntian ko na ang social circle ko kasi gusto ko matahimik ang cellphone ko. Sabihin na natin pwede naman magpatay ng wifi pero kasi hindi naman maiiwasan lalo na't madalas tayong nags-scroll sa socmeds natin.

BINABASA MO ANG
A Better World With You
RomanceEstrellas Series III "Will I be taking a risk once again and waste this perfect life that has been lended to me or Complicate things as what I have did before?" ------------------ Georgianna Nicole Mercedes, a half spanish and a half filipino woman...